Albie may nakakalokang experience sa sasakyan mula sa online cab booking
MAY nakakaloka at nakakatawang experience pala si Albie Casiño nang minsang gumamit ng isang online cab booking.
Sa naganap na presscon para sa latest Vivamax Original movie na “Kasalo” kung saan bida sila ng sexy star na si Vern Kaye, ay nagkuwento ang Kapamilya hunk actor tungkol dito.
Iikot kasi ang kuwento ng sex-drama film na “Kasalo” sa iba’t ibang karanasan ng mga pasahero na gumagamit ng mga ride-hailing company mobile app sa kanilang pagbibiyahe.
Baka Bet Mo: Kris pinagbawalan ng mga doktor na gumamit ng socmed kaya dedma sa mga pelikula tungkol sa amang si Ninoy Aquino
Ayon kay Albie, talagang sumasakay daw siya sa Grab at nai-share nga niya ang isang insidente na naranasan niya kamakailan lamang.
“Ako recently, hindi naman siya bad experience pero different experience lang. I think galing pa ako dito sa Viva Café (venue ng presscon) tapos tumawag yung girlfriend ng Grab driver.
View this post on Instagram
“Parang yung workplace ng girlfriend niya, malapit sa bahay ko. Tinanong niya ako kung puwedeng daanan ang girlfriend niya bago ako umuwi.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon
“Okay lang naman sa akin pero yun pala, fan yung girlfriend niya ng Can’t Buy Me Love,” pagbabahagi ng binata.
“Hindi ako kilala ng Grab driver kaya rin ako pumayag kasi alam mo yung na-sense ko na hindi ako kilala ni idol.
“So sabi ko, go lang kuya. Semi-kalmado lang ako, nakahiga ako sa back with the airpods. Tapos, biglang pumasok si ate, pagkaupo niya, guman’un siya (nagulat) ‘Artista ‘yan. Artista ‘yan!’
“Oh no, kilala ako ni ate. Sumilip siya, sabi niya, ’Pa-picture.’ Sabi ko, sige boss, pagbaba ko,” natatawang kuwento pa ni Albie na pinagbigyan naman ang hiling ng girlalu na makapagpa-selfie sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.