Jake Ejercito, Albie Casino 'magsasama' sa 'Can't Buy Me Love'

Jake Ejercito, Albie Casino ‘magsasama’ sa ‘Can’t Buy Me Love’

Therese Arceo |March 02,2024
facebook
share this

Jake Ejercito, Albie Casino ‘magsasama’ sa ‘Can’t Buy Me Love’

Therese Arceo - March 02, 2024 - 12:09 AM

Jake Ejercito, Albie Casino 'magsasama' sa 'Can't Buy Me Love'

MAGIGING bahagi na rin ng drama series na “Can’t Buy Me Love” ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito.

Ito ay ibinahagi mismo ng aktor sa kanyang Facebook page noong Miyerkules, February 28.

Ang naturangvanunsyo ay ibinahago mismo ng ABS-CBN sa kanilang social media pages nitong Miyerkules, February 28.

“Abangan si Jake Ejercito SOON sa #CantBuyMeLove,” saad sa caption.

Marami ang agad na napatanong at nanghula kung ano ang magiging papel ng aktor sa teleserye.

Baka Bet Mo: Albie Casiño hindi kering makatrabaho si Andi Eigenmann, inalala ang pagkikita nila ni Jake Ejercito

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May ilan na nagsasabing baka raw ang maging papel ni Jake ay ang itinuturong “lover” ng ina ni Caroline Tiu (Belle Mariano) na si Divine Almazan [Shaina Magdayao].

“Kaexite bka sya c engineer n sinasabi n Cindy n lover n Divine,” saad ng isang netizen.

Hula naman ng isa sa magiging role ni Jake, “Feeling ko kapatid ni bingo kay miss yna Raymundo.”

“Baka maging isa sa supplier ng mabenta box o kaya magiging bagong boss ni Irene,” sey naman ng isa.

Palaisipan naman kung magkakaroon ba ng eksena sina Jake at Albie Casino.

Aware naman ang lahat na pareho silang naging ex-dyowa ni Andi Eigenmann.

Matatandaang sinabi noon ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang panganay na anak noon.

Pero base naman sa interview ni Albie kamakailan, chapter closed na ito para sa kanya at wala siyang problema kay Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero base sa interview ng anak ni dating Pangulong Erap Estrada kay Ogie Diaz, makikigulo siya sa eksena nina Irene Tiu (Maris Racal) at Snoop (Anthony Jennings).

“Nagulat rin ako kasi out of nowhere nabigyan ako ng offer to join the show ang ‘yung character ko is doon mapupunta sa character nina Irene at Snoop,” kuwento ni Jake.

Sinabi rin niya na sa ngayon ay wala pa naman silang eksena Albie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending