Jake Ejercito nag-yes agad nang malamang sina Kathryn at Dolly ang bida sa ‘A Very Good Girl’; single pa rin, hindi naghahanap ng jojowain
HINDI pa man sinasabi sa kanya kung ano ang magiging role sa pelikulang “A Very Good Girl” ay nag-yes agad sa Star Cinema si Jake Ejercito.
Sobrang excitement daw ang naramdaman niya nang malamang isa siya sa artistang napiling makasama nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon sa latest offering ng Star Cinema.
Bukod daw sa ito ang magiging first movie niya, naniniwala rin siya na isa ito sa pinakamaganda at pinakamatapang na pelikula na gagawin ni Kathryn at gusto niyang maging bahagi nito.
View this post on Instagram
Hindi pa man daw sinasabi sa kanya ng kanyang talent manager kung ano ang kuwento ng “A Very Good Girl” ay walang kaabug-abog na tinanggap agad niya ang project at handa siyang harapin ang lahat ng challenges na ibibigay sa kanya ng kanilang direktor na si Petersen Vargas.
“Game agad! Tapos nu’ng nabasa ko na yung script, sabi ko, ‘Star Cinema gagawa ng ganito? Si Kathryn gagawa ng ganito? I wanna be part of that!” pahayag ni Jake sa naganap na presscon ng “A Very Good Girl.”
In fairness, mula nang maging Kapamilya ay hindi na nawalan ng projects si Jake sa ABS-CBN at kamakailan lamang ay pumirma na siya ng exclusive contract sa network.
“First joined ABS-CBN if I’m not mistaken 2020. So the timing is less than an ideal kasi it was a year of pandemic and of course the shutdown,” sey naman ng aktor sa isang panayam.
Baka Bet Mo: Jake ayaw munang magkaroon ng ka-loveteam; idol sina Piolo, Coco at John Lloyd
“In spite of that, I’m still blessed by our bosses I was given those na tuloy-tuloy din. Of course, I want to express my deepest gratitude for our bosses for believing in me and giving a lot of opportunities.
“And thank you for offering me this network contract. I promised to be a soldier of the company. Yeah just really really excited and blessed, looking forward for everything,” sabi ng tatay ni Ellie, ang anak nila ni Andi Eignenmann.
Bukod sa tinatamasang tagumpay sa kanyang showbiz career, nagpapasalamat din si Jake sa maayos at magandang relasyon nila ni Ellie, pati na ng co-parening status nila ni Andi.
“Well it kind of works for us kasi yung set up namin is kasi most of her time she’s with her mom sa Siargao. Kaya ini-schedule na lang namin na kapag hindi ako masyadong busy, she stays with me,” chika ni Jake.
“With work pa lang and being a father pa lang, mahirap na to managed my time lately,” aniya pa.
View this post on Instagram
Samantala, bukas naman ang puso ni Jake sakaling dumating na ang babaeng itinadhana para sa kanya pero sa ngayon, nananatili pa ring si Ellie ang top priority niya ngayon.
“I’m trying to get used to it (being single). Of course, being a dad is a full time job but luckily given a set up, I have a great co-parenting with Andi, so kahit papaano nahahati yung pagiging parent.
“But to answer your question naghahanap ba ako, as of now no. My priority is my daughter and my work,” diretsahang sabi ni Jake Ejercito.
Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.