Albie Casiño hindi kering makatrabaho si Andi Eigenmann

Albie Casiño hindi kering makatrabaho si Andi Eigenmann, inalala ang pagkikita nila ni Jake Ejercito

Pauline del Rosario |October 13,2023
facebook
share this

Albie Casiño hindi kering makatrabaho si Andi Eigenmann, inalala ang pagkikita nila ni Jake Ejercito

Pauline del Rosario - October 13, 2023 - 10:16 AM

Albie Casiño hindi kering makatrabaho si Andi Eigenmann, inalala ang pagkikita nila ni Jake Ejercito

PHOTO: Instagram/@thestallion09

DERETSAHANG sinabi ng aktor na si Albie Casiño na wala siyang pakialam sa lovelife ngayon ng kanyang dating dyowa na si Andi Eigenmann.

Inamin din niya na kahit naka-move on na siya sa dating isyu nila ni Andi ay ayaw pa rin niya ito makasama sa kanyang trabaho.

‘Yan ang mga inilahad ni Albie matapos siyang tanungin sa naging ambush interview sa media conference ng “Can’t BUy Me Love” noong October 4.

Inalala pa nga ni Albie ang pagkikita nila ng kapwa-actor na si Jake Ejercito, ang dating partner ni Andi.

Kwento niya, “Lumapit ako [kay Jake. Sinabi ko], ‘I’m sure you know who I am. Wala akong problema sa’yo. I hope you have no problem with me personally’.”

“We shook hands, toast, cheers, gano’n lang,” ani pa niya.

Hindi na raw niya binanggit ang kinasangkutang “paternity controversy” dahil hindi naman na raw kailangang pag-usapan.

Baka Bet Mo: Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

“There’s no need to talk about it,” dagdag niya.

Paliwanag niya, “Parang with me making that [gesture], coming to him, that’s my way of saying na we’re done na with that part.”

Nang tanungin naman si Albie kung bukas ba siyang makasama sa isang proyekto ang dating girlfriend.

“‘Yun ang hindi,” mabilis niyang sagot.

Sambit pa niya, “I can go on [with] the rest of my life without having to deal with that.”

Pero nilinaw naman ng aktor na babatiin pa rin niya ang aktres sakaling magkita sila.

Sinabi pa ni Albie na wala siyang maayos na pakikipag-usap kay Andi tungkol sa nakaraang isyu, ngunit idiniin na hindi na ‘yun mahalaga sa kanya.

“I don’t need to say it like this pero wala talaga kong pakialam e,” sey niya nang tanungin kung masaya ba siya sa lovelife ngayon ni Andi.

Aniya pa, “It doesn’t bother me. I don’t think about it.”

Nasangkot si Albie sa isang paternity controversy noong 2011 nang mabuntis si Andi at pinangalanan ang aktor bilang ama.

Itinanggi ni Casiño na siya ang ama ng bata at ang kanyang nag-uumpisang showbiz career noong panahong iyon ay naputol dahil siya ay pinutakte ng netizens sa nangyari.

Kalaunan, ibinunyag ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake ang ama ni Ellie.

Noong 2021, sinabi ng aktor na hindi siya nakatanggap ng paumanhin mula kay Andi, ngunit ito ay pinabulaanan ng isa pang kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann kung saan ipinakita pa niya ang screenshot ng tila pag-uusap ng dating mag-dyowa.

Sa ngayon, may magandang co-parenting sina Andi at Jake para sa anak nila na si Ellie.

Nakatira ngayon ang dating aktres sa Siargao kasama ang kanyang fiancé at celebrity surfer na si Philmar Alipayo, pati na rin ang kanilang dalawang anak na sina Lilo at Koa.

Related Chika:

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending