Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them? Bandera

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Ervin Santiago |November 30,2021
share this

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Ervin Santiago November 30, 2021 - 07:53 AM

Albie Casino at Andi Eigenmann

HANGGANG ngayon ay bitbit pa rin ng hunk actor na si Albie Casino ang sama ng loob kay Andi Eigenmann kaya hindi pa raw niya ito kayang patawarin.

Feeling kasi ng binata, walang sinseridad ang ginawang pagso-sorry sa kanya noon ng dating karelasyon na idinaan lamang sa text message. 

May konek ito sa naging pasabog noon (2011) ng aktres na si Albie raw ang tatay ng ipinagbubuntis niya pero umamin din sa publiko na si Jake Ejercito ang tunay na tatay ng kanyang panganay na anak.

Nitong mga nakaraang linggo, naging headline na naman si Albie sa mga entertainment sites dahil sa prangkang pagsasalita niya laban kay Andi noong mapasama siya bilang celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother” season 10.

Sa panayam ng Cinema News (ng Cinema One cable channel), bumuwelta si Albie sa ipinost ng half-sister ni Andi na si Stevie Eigenmann laban kay Albie noong Oct. 30, 2021. 

Kinontra nito ang sinabi ni Albie na hindi pa humihingi ng sorry si Andi sa kanya sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media ng mga screenshots ng palitan ng mensahe nina Albie at Andie taong 2020.

“Her sister posted something about me and Andi talking. In her apology in that text, it was still a non-apology if you really read it.

“She said, ‘I’m sorry if you needed a better apology…’ What are you talking about? Do you not feel I deserve a better apology? You shamed me publicly.

“If you read my reply, I said, ‘We’re all good. Whatever.’ That was honestly a lie. I just didn’t want to talk to her anymore. I feel if I told her how I really felt, the conversation would have gotten longer.

“I really don’t want to waste any more time of my day talking to you, thinking about you. Be happy in the beach wherever you are and just leave me alone,” ang bahagi ng pahayag ni Albie sa nasabing panayam.

Ipinagdiinan pa ng aktor na sana’y maintindihan siya ng publiko kung bakit napakahirap para sa kanya na patawarin ang dating girlfriend kahit pa may sariling pamilya na ito ngayon.


Grabe raw kasi ang naging epekto sa kanyang personal na buhay at career ng pagsisinungaling noon ni Andi, “Let’s take away all of the bashing, all of the defaming my name in public, even my family’s name.

“They even went up to my mom, all the while knowing I wasn’t the dad. Let’s take that out of the consideration. How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that?

“And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages. That’s literally money they put out of my bank account. 

“That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right? So how can I be okay with them?” pahayag pa ng hunk actor.

Pagdidiin pa niya, “First of all, you didn’t make a public statement I wasn’t the dad. You never made a public statement apologizing to me when everything you did to bash me was done publicly.” 

Kamakailan lamang ay humingi rin ng tawad si Albie dahil sa mga nasabi niyang hindi maganda kay Andi, kabilang na riyan ang pamba-body shame niya sa aktres.

“I just want to apologize for the comments that I made before sa Kumu. I was trying to be funny, and at the same time, I was trying to say something na makaka-offend sa kanya.

“To be honest, hindi ako maglilinis ng kamay dito, I really wanted to say something to make her feel bad. But in the process, marami rin akong nasaktang ibang tao sa statements ko na yun, and that wasn’t my intention. I didn’t want it to be like that.”

“I just wanna apologize to everybody for that, na everybody else felt that I hurt and disrespected them with those statements. I really want to apologize. I’m man enough to admit that I really made a mistake for saying that,” aniya pa.

Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa…

Albie sa ECQ season 2: Congrats to everyone who voted nu’ng 2016, sana natutuwa kayo ngayon

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending