Kris pinagbawalan ng mga doktor na gumamit ng socmed kaya dedma sa mga pelikula tungkol sa amang si Ninoy Aquino
SA kabila ng pangungulit ng kanyang mga fans at social media followers, nananatiling tahimik ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga isyu at kontrobersya tungkol sa kanilang pamilya.
Kapansin-pansin na hindi nagsasalita at nagbibigay ng opinyon si Kris sa mga pelikulang ipinalabas nitong mga nagdaang linggo about the Aquino family, lalo na ang “Martyr or Murderer” na idinirek ni Darryl Yap.
Marami ang umasa at naghintay sa magiging reaksyon ni Kris matapos ipalabas ang kontrobersyal na Marcos movie kung saan ipinakita ang ilang detalye sa personal at propesyonal na buhay ng ama niyang si Ninoy Aquino.
View this post on Instagram
Isa ito sa napag-usapan sa nakaraang episode ng online show na “Showbiz Now Na!” ni Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez.
Ayon sa veteran entertainment columnist at TV-radio host, baka raw talagang umiiwas muna si Kris sa toxic ng social media dahil na rin sa kanyang health condition.
Baka raw pinagsabihan na ng kanyang mga doktor si Kris na huwag munang gumamit ng social media kasabay ng panawagan sa publiko na patuloy na ipagdasal ng Queen of All Media.
Baka Bet Mo: Kris Aquino nagiging ‘reklamador’ na raw sa mga doktor ayon kay Cristy Fermin
“Hindi ba ‘yung mga doktor kahit na isang napaka-casual o simpleng lagnat lang, di ba, ang ipinapayo sa kanilang mga pasyente, ‘Oh, huwag munang magte-text. Relax lang muna.
“Dapat walang stress.’ Eh, ‘yun pa kaya na pagkatindi-tindi ng kanyang sakit na siya na rin mismo ang nagsabi na life-threatening.
View this post on Instagram
“Ito pa kaya ang hindi pagbabawalan ng mga doktor na, ‘Teka muna, huwag ka munang mag-social media. Ito lang muna ang ating harapin. Dito ka muna mag-concentrate.’
“Katulad ngayon, marami ang nakakapansin, tahimik si Kris. Ano ang ating pagdedebatehan ngayon? Maganda kaya ang mga nagaganap o positibo na?” pahayag ni Nanay Cristy
Dagdag pa niya, “Kung minsan po talaga, mga kachika, kailangan natin magkaroon ng selective amnesia.
“Nakatutulong po ‘yan, kalimutan muna natin ang mga naganap na hindi kagandahan.
“Kalimutan muna natin ang komunikasyon na nakakaapekto sa ating mental health,” lahad pa ng beteranang kolumnista.
Pagpapatuloy pa niya, “Basta ipagdasal pa rin po natin ang kalagayan ni Kris Aquino. Pero natutuwa tayo dahil si Josh at si Bimby ay nag-eenjoy naman sa America.
“Sana nga po ay makamit na ‘yung dasal ng marami at panalangin ni Kris na mapaayos na ang kanyang kalusugan,” aniya pa.
Epy walang ieendorsong kaibigan na tatakbo sa 2022; inatake ng depresyon dahil sa socmed
Willie walang cancer, nagpasalamat sa lahat ng nagdasal: Thank you, Lord! Thank you!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.