Darryl Yap idinemanda ang 40 katao na nagpapakalat ng fake news: ‘Hindi ako pedophile, hindi ako nang-abuso ng bata’
UMABOT na sa 40 katao ang kinasuhan ng controversial director na si Darryl Yap dahil sa pagpapakalat ng fake news laban sa kanya sa social media.
Kung hindi kami nagkakamali nagsampa ng kasong cyberlibel si Direk sa mga taong nagpo-post sa iba’t ibang platforms ng malilisyosong pahayag at mapanirang-puring komento tungkol sa kanyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, binantaan muli ng direktor ng “Maid in Malacañang” at “Martyr or Murderer” ang lahat ng netizens na tatawag sa kanya ng pedophile.
“Nakakatawa yung mga nagsasabi na iyakin daw ako dahil nagdemanda ako ng halos 40 tao.
“Dinemanda ko po sila dahil HINDI TOTOO ANG SINASABI NILA…Hindi ako pedophile, Hindi ako nang-abuso ng bata o ng tao, wala akong ganyang record o kaso,” pahayag ng batambatang filmmaker.
Patuloy pa niya, “Hindi po asaran yang isyu na yan, yan po ay paninira at pananabotahe ng imahe at karera.
“Wala pong problema sa akin kung magbardagulan, mag-asaran o maglaitan tayo magdamag; basta ang basehan ay ang pansariling panlasa, opinyon at content, hindi gawa-gawang paninira dahil walang maibato.
“Wag nyo ko iniimbentuhan ng kaso,
kasi kaya ko kayo gawan ng totoo…
kakaririn ko talaga yan. so help God.
Baka Bet Mo: Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!
“I will make sure that all these people calling me PDF file will be Jail. PEG soon,” matapang pang sabi ni Direk Darryl.
Nauna rito, kinumpirma nga ng direktor ng Viva Films at may-ari ng Vincentiments Productions na may mga idinemanda na siya mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“Filed 2 cases against Luzon people…nagkataong sa Cebu ko nakita. and most probably magfile ako 5 cases sa Ilocos Norte, doon ko kasi nabasa yung ibang posts from Visayas and Mindanao.
“Tignan natin kung hanggang saan yang tigas ng mga mukha nyo bumuo ng kwento mula sa putol-putol na tweets para meron kayong basehan sa kaisa-isang bagay nyong ibinbato sa akin.
“Hope to make all undertakings public, para makita ng lahat, mula sa paghaharap at mga susunod na pangyayari,” ang may pagbabanta pang pahayag ni Darryl Yap.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa comments section ng FB post ni Direk Darryl.
“PWEDE MO PATAWARIN Darryl Yap PERO DAPAT MAY KAPALIT.. 12HRS A DAY MO IPANOOD SA KANILA ANG MIM AT MOM FOR 1 YEAR.. Pero kapag ayaw nila.. iTuloy mo idol.. Tingnan natin sino iyakin sa huli.. Tama lang yan para matapos na yung nakasanayan nilang mali! Lagi nalang paVictim mga yan sa huli.. Malaya tayong nakakapagsalita pero dapat alam din nila kung hanggang saan ang limitasyon ng kanilang ginagawa.. Paninirang puri dyan sila magaling, tatapakan ka hanggat hindi sila nakakaharap ng katapat.. Paiyakin mo para madala.”
“May lawyers for Leni naman daw sila Direk. Ituloy mo po para masaya ang laban. Tingnan natin sino iyakin talaga.”
“Ituloy mo kaso Direk tapos Gawin mong series sa YouTube mo or documentary para matuto ang mga iyan na ang paninira sa kapwa ay may mabigat na kapalit.”
“Tuluyan mo yan.. para makita sino ang iyakin.nung nakaraan nga may nagumpisa nang umiyak sa tiktok.”Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!
Ogie Diaz pumalag sa fake news na supporter ni Marcos si Liza
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.