Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige! | Bandera

Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!

Ervin Santiago - November 02, 2022 - 07:30 AM

Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!

Darryl Yap

MUKHANG nasa mood na namang makipagbardagulan ang kontrobersyal at certified blockbuster director na si Darryl Yap sa mga taong walang ginawa kundi magpakalat ng fake news.

Idinaan ni Direk Darryl sa blind item ang bago niyang pasabog na pinaniniwalaang tungkol sa isang Kakampink o tagasuporta ng dating Bise Presidente na si Leni Robredo.

Sa kanyang official Facebook account, nag-post ang direktor ng “Maid In Malacañang” ng mensahe para sa taong duwag na siyang namamahala sa isang social media page.

Sabi ng matapang na filmmaker, kilala na nila ang nasabing personalidad at handa silang pangalanan ito pagdating ng tamang panahon.

Simulang pahayag ni Direk Darryl,  “Sa iyo…na admin ng isang page na walang ibang alam kundi ang magkunwaring matapang at may alam habang nagtatago sa isang dummy account.

“Gusto ko lang malaman mo na kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige.

“Araw-arawin mo ang pagbula ng iyong bibig sa kasinungalingan at paninirang-puri. Kasi kung hindi, para saan pang isa kang Cheerleader for Leni,” sabi pa ng direktor.

Sinundan pa niya ito ng mensahe tungkol sa mga Filipino na humahanga at nagtatanggol sa mga taong mapagpanggap at pakitang-tao. Hindi raw dapat tularan ang mga ito.

“Lord, sana po mahimasmasan ang mga kababayan kong nagnanaknak sa drama— na ang tingin nila sa lider na nagpapakabasa sa ulan at lumulusong sa baha ay matalino.

“Gayung ang lider na may utak ay hindi tanga na magpapaasikaso pa sa mga lokal na pwersa sa panahon ng kalamidad.

“Hilamusan Mo sila Lord, para magising na hindi teleserye ang tunay na buhay, at ang mga pakitang-tao ay hindi dapat pamarisan.

“At ang totoong may malasakit ay marunong magbahagi ng hakbang at aksyon at hindi kunwaring kasama ng rescue team para tumulong— dahil pag may kasama ang mga tagapagligtas— inuuna pa silang mga hudas. Amen,” ang pahayag pa ni Darryl Yap.

Samantala, ibinalita naman ni Direk Darryl na tuloy na tuloy na ang shooting ng part 2 ng “Maid In Malacañang” under Viva Films.

“The Casting is complete!
of course, kasama ang mga nasa #MiM,” sabi ni Darryl kasabay ng pagkumpirma na may napili na silang gaganap na young Ferdinand Marcos, young Imelda Marcos at batang Ninoy Aquino.

Gumamit pa siya ng nga hashtag #MoM2023 at #MARTYRorMURDERER.

Dagdag pa niya, hindi pa nga raw niya natatapos ang script ng nasabing pelikula ay trending na agad ito sa social media.

Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa

Korina sa pasaway na aplikante: Sige uwi ka na, wag ka nang babalik ha…next please?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mega kay VP Leni: Sana bumalik iyong kilala kong Pinas…yung mga kababayan kong marunong makisama at rumespeto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending