Korina sa pasaway na aplikante: Sige uwi ka na, wag ka nang babalik ha...next please? | Bandera

Korina sa pasaway na aplikante: Sige uwi ka na, wag ka nang babalik ha…next please?

Ervin Santiago - April 30, 2021 - 06:15 PM

KALOKA ang chika ng TV host-news anchor na si Korina Sanchez tungkol sa naging experience niya sa isang aplikante kamakailan.
Ikinuwento ito ng broadcast journalist sa kanyang Instagram account at talagang tawang-tawa kami habang binabasa namin ang interview portion niya sa nasabing job applicant.

In fairness, ang dami ring naaliw at naimbiyerna sa mga banat ng nag-a-apply dahil sa pagiging demanding nito sa pinapasukang trabaho.
Narito ang naging takbo ng kanilang chikahan:

“Applicant: Ano po bang position ang offer niyo?

“Korina: Need kasi namin ng production assistant yung Pwede mautusan ng direktor at executive producer. Alam mo na Kung anoano minsan.

“Applicant: Ano nga po yung anu-ano?

“K: Need kasi namin yung madali kausap at di mashado mapili at makuwenta. Shempre bawal naman ang abuso kaya all within reason ang utos.”

Tinanong daw ng applicant kung magkano ang ibabayad sa kanya pero nang ipinaliwanag ni Korina na hindi ito kalakihan ang sweldo dahil nga sa COVID-19 pandemic, nag-react daw agad ang aplikante na  dapat daw ay doble pa ang ibayad sa kanya.

“Applicant: Baka pag isipan ko pa. Magkano?

“K: Sa ngayon lahat kami half pay kasi ganon ang buong industriya tinamaan ng lockdown ang negosyo ng lahat.

“Applicant: Baligtad po! Dapat nga doblehin niyo sweldo namin kase mas gipit kami ngayon. Ano Ano nga ba gagawin ko?”

Dito na raw nabwisit ang broadcast journalist, “Korina: Ano… Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha. Next please?”

“Parang bumaligtad utak ng ibang tao sa Covid. just sayin’.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dear BANDERA readers, kung kayo si Korina ang magiging punchline n’yo sa demanding na aplikante?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending