Darryl Yap nagbanta: 'Magsigawan kayo nang magsigawan ngayon, dahil mag-iiba ang tono ng kanta kapag ako na ang bumirit' | Bandera

Darryl Yap nagbanta: ‘Magsigawan kayo nang magsigawan ngayon, dahil mag-iiba ang tono ng kanta kapag ako na ang bumirit’

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

Darryl Yap nagbanta: ‘Magsigawan kayo nang magsigawan ngayon, dahil mag-iiba ang tono ng kanta kapag ako na ang bumirit’

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 07:19 AM

Darryl Yap nagbanta: 'Magsigawan kayo nang magsigawan ngayon, dahil mag-iiba ang tono ng kanta kapag ako na ang bumirit'

Darryl Yap

MARAMI pang ilalabas na pasabog at mga nakakalokang rebelasyon ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Yan ang ipinangako ng blockbuster filmmaker sa publiko base na rin sa ipinost niyang mensahe sa kanyang official Facebook page kahapon na umani na naman ng sandamakmak na reaksyon mula sa netizens.

Kalakip ang kanyang solo picture, ibinahagi ni Direk Darryl sa kanyang FB followers ang nararamdaman niya hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang kaibigan na si Sen. Imee Marcos.

Walang detalyeng binanggit si Direk Darryl tungkol dito, ngunit mukhang may kinalaman pa rin ito sa mga  kontrobersyal Marcos movie na ginawa niya, ang “Maid in Malacañang” at “Martyr or Murderer” na parehong tumabo sa takilya.


“I really want to say a lot of things but I’m keeping my cool and I’m holding myself back out of love and respect for Senator Imee. The last thing I wanna do is  to ruffle her feathers,” simulang pagbabahagi ni Direk Darryl.

Pagpapatuloy pa niya, “My sincere hope is that God grants our nation the ability to distinguish truth from deceit, and that we remain vigilant and perceptive amidst the political maneuvering that seeks to blind us.

“Nakikita nyo kaming sumasayaw sa musika na kami lang, o kami pa lang ang nakakarinig.


“As Nietzche puts it, ‘Those who were seen dancing were thought to be insane by those who cannot hear the music.’

“As a storyteller, I take pride in my commitment to honesty and truth. Kahit gaano ako kabrutal, iniingatan kong huwag magmalabis o magpasakop sa kasinungalingan,” sabi pa ng controversial filmmaker.

Baka Bet Mo: Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d’yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya

Nangako naman si Direk Darryl na marami pang dapat abangan ang publiko sa mga darating na araw, “Soon, I plan to tell a new story that will be even more honest and complete, with raw details and unexpected twists.

“While patience has never been a virtue of mine, I am exercising it now in anticipation of the revelation of long-hidden secrets, a Pandora’s box of surprises that will make the scoop-hungry vloggers masturbate.

“Amidst all the bashing, I just roll with the punches. Do your worst.  And I will do mine. Remember,  there’s always a calm before the storm.

“Magsigawan kayo nang magsigawan ngayon, dahil mag-iiba ang tono ng kanta kapag ako na ang bumirit,” ang sabi pa ni Darryl Yap na may himig ng pagbabanta.

Nagpapakalat ng fake news buking ni Darryl Yap: Kilala ka na namin, pagbutihin mo pa, sige lang nang sige!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending