Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d'yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya | Bandera

Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d’yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya

Therese Arceo |July 12,2022
facebook
share this

Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d’yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya

Therese Arceo - July 12, 2022 - 07:59 PM

Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d'yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya

NAGPAKITA ng suporta ang “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap kay Ruffa Gutierrez na kasalukuyang usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kinakaharap na kontrobersiya.

Ibinahagi ng direktor ang screenshot ng kanyang mensahe sa aktrew sa Facebook page ng VinCentiments na handa raw siyang tulungan ito na gumawa ng “content” hingil sa kinasasangkutang isyu ng aktres.

“Hi Ruffa Good Morning… I know you are on your way to It’s Showtime, just know that I am here, we are all here… let’s make a content about it, sana may free time pa tayo,” saad ni Darryl base sa screenshot.

Aniya, nag-research na raw siya patungkol sa taong nagpapasaron sa aktres.

“Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot,” pagpapatuloy ni Darryl.

Sinabi rin niyang sandali lang daw ang buhay ng mga matatanda.

“Sandali na lang ang buhay ng matatanda, kung dyan sya masaya, wag natin basagin ang trip nya,” hirit pa ni Darryl.

Malinaw naman na ang pinatutungkulan nito ay ang dating Comelec commissioner at P3PWD representative na si Atty. Rowena Guanzon.

Matatandaang nitong Biyernes nang mag-trending ang dalawa matapos i-call out ng dating commissioner ang pansin ni Ruffa hinggil sa dalawang kasambahay na diumano’y pinalayas ng kanilang amo.

Nilinaw naman na ng aktres ang isyu at sinabing walang katotohanan na may pinalayas siya dahil personal na kagustuhan ng mga kasambahay ang umalis.

“No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” pagbabahagi ni Ruffa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave,” dagdag pa niya.

Mukha namang nagsisimula pa lang sa pakikipagbardagulan si Guanzon at muling nagpatutsada sa Twitter kaya naman maging si Annabelle Rama ay nagsalita na.

Anyway, makikita namang nag-comment si Ruffa sa naturang post sa Facebook page ng VinCentiments.

“I found a true friend in Direk Darryl Yap,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang magkatrabaho sina Ruffa at ang direktor para sa upcoming movie film na “Maid in Malacañang” kung saan gumaganap ang aktres bilang si Imelda Marcos.

Related Chika:
Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending