Kris Aquino nagiging 'reklamador' na raw sa mga doktor ayon kay Cristy Fermin Bandera

Kris Aquino nagiging ‘reklamador’ na raw sa mga doktor ayon kay Cristy Fermin

Therese Arceo |August 05,2022
share this

Kris Aquino nagiging ‘reklamador’ na raw sa mga doktor ayon kay Cristy Fermin

Therese Arceo August 05, 2022 - 03:53 PM

Kris Aquino nagiging 'reklamador' na raw sa mga doktor ayon kay Cristy Fermin
MULI na namang napag-usapan nila Cristy Fermin, Morly Alinio, at guest host na si Wendell Alvarez ang kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa YouTube vlog nilang “Showbiz Now Na”.

Ayon sa nakuhang chika ay nagiging “reklamador” daw si Tetay sa mga doktor sa Houston, Texas kung saan siya namamalagi at nagpapagamot.

Sey ng Nay Cristy, hindi na rin naman daw ito bago dahil kahit na noong nasa Pilipinas pa raw ito ay marami na rin itong reklamo.

“Ngayon po, unti-unti nang naglalabasan yung si Kris daw po kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra. Kinukuwestyon kung para sa’n ‘yon, para kanino, bakit. Natural lamang po ‘yon. Katawan naman niya ‘yon. Pero ‘di ba ang mga doktor, nao-offend naman kapag gano’n,” saad ni Nay Cristy.

“Parang naiinsulto ang mga doktor dahil alam nila kung ano ang gagawin at ilalagay sa’yo. Hindi ka na kailangang magtanong, Ate Cristy, kasi nasa ospital ka na eh. Pumirma ka na doon…” singit naman ni Morly.

Para sa kolumnista, tama lang naman daw kung tanungin ni Kris kung ano ang mga gamot na inilalagay ng mga doktor sa kanyang katawan ngunit dapat raw ay may limitasyon at hangganan ang pag-kwestiyon sa mga ito at pwede naman daw magtanong sa mga espesyalista sa maayos at magandang paraan.

“Yung pagiging nice mo ay sana nailabas mo na doon. Hindi yung parang ‘Oh, what is that.?’, ‘What is the purpose of tha?’ [na] parang ganyan na nagsusungit. Dapat kapag may sakit ka, ikaw na yung pinakamabait sa lahat, kasi may sakit nga eh…” sey pa ni Morly.

Base rin naman sa mga naririnig niya ay karamihan raw sa mga doktor na umaagapay kay Kris ay naiirita na sa kanya.

Ipinagtanggol naman siya ni Nay Cristy ang Queen of All Media at sinabing baka nagiging iritable ito dahil sa kanyang sakit.

“Pero parang ang dating kasi Ate Cristy parang… sana maging nice siya. Maging nice siya sa lahat ng mga doktor doon, na huwag na siyang magtaray, na Kris Aquino ka, na ikaw ay anak ng dating presidente, tama na… kasi may sakit ka,” hirit pa ni Morly.

Hiling nila na sana ay wala raw katotohanan ang chika ukol sa pagiging mareklamo ni Kris. Hangad daw ni Morly ang peace of mind at dasal sa agarang paggaling nito ang kanyang kagustuhan.

Naniniwala naman si Nay Cristy na hindi naman biro ang nararamdamang sakit ni Tetay at patuloy pa rin ang kanyang dasal para sa agarang pggaling nito.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Kris ukol sa mga kumakalat na chika patungkol sa kanya.

 

Related Chika:
Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

Kris Aquino nakulam nga ba kaya hindi gumagaling ang sakit?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending