Kris Aquino nakulam nga ba kaya hindi gumagaling ang sakit? Bandera

Kris Aquino nakulam nga ba kaya hindi gumagaling ang sakit?

Reggee Bonoan |July 17,2022
share this

Kris Aquino nakulam nga ba kaya hindi gumagaling ang sakit?

Reggee Bonoan July 17, 2022 - 10:55 AM

Kris Aquino

HINDI naniniwalang “nakulam” si Kris Aquino base sa pahayag ng tarot card reader na kaibigan ni Konsehala Aiko Melendez na si Jovi Vargas.

Natanong ni Konsi Aiko si Jovi sa panayam niya rito para sa kanyang YouTube channel na in-upload nitong Sabado kung ano ang nakikita niyang lagay ni Kris sa kasalukuyan.

“’Yung friend natin si Kris na naging paborito rin niya tayo. Para sa akin mas tutukan na lang niya muna ‘yung health issue niya kaysa sa makialam pa siya sa mga isyu ng politics, sa showbiz.

“Mas gusto kong bigyan niya muna (ng panahon) ‘yung katawan niya although hindi ko naman maiaalis kung maniniwala sila o ang iba (tao) na kahit ako kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabing nandoon daw siya sa sitwasyon na kulam,” pahayag ng manghuhula.

Balik-tanong ni Konsi Aiko, “Nakulam daw siya?”

“Well, sakit naman talaga hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya, eh.

“Lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris, e, magdasal, malaking tulong ang dasal talaga saka kailangan niya talagang huwag magpa-stress, ‘yan ang pinakaimportante,” paliwanag ni Jovi.

Samantala, nang lumipad si Kris patungong Houston, Texas, USA ay inakalang tuluyan nang magagamot at gagaling ang mama nina Joshua at Bimby na aabutin ng halos dalawang taong pamamalagi sa hospital, base rin sa kuwento ng TV host.

“Kuwento sa akin na lahat nagsasabi na ‘yung pinuntahang city ni Kris ay nandoon ‘yung pinakamatitinding ospital,” saad naman ni ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang “Showbiz Now Na” YouTube channel kamakailan.


Dagdag pa, “Nagbibigay sila ng impormasyon (mga kababayan sa Houston) na ‘yung pinakamahuhusay, pinakamagagaling dawn a mga duktor ay nandoon sa malalaking hospital sa Houston, sobra raw.

“Yung ibang hospital magagaling din pero iba raw talaga ‘yung pinuntahan ni Kris.  ‘Yun daw ang dinadayo (hospital) ng mga bilyonaryo sa buong mundo,” sabi pa ng batikang manunulat.

Pero pagkalipas lang ng ilang araw ay nalaman ni ‘Nay Cristy na lilipat ng hospital si Kris base rin sa kuwento sa kanya.

Sabi ni ‘Nay Cristy, hindi niya idedetalye kung ano ‘yung mga sinabi ni Kris.

“Dahil ‘yung pinag-aalala nila sa Houston na palpak ay pumalpak nga. Kaya hindi niya alam kung lilipad na naman sila at lilipat ng ibang ospital.

“Pero pag lumakas na raw siya (sabay pakita ng text message ni Kris sa screen) ‘in less than three months ay immunosuppressant chemotherapy na, it’s the only road I have.’”

Naikuwento rin na sobrang nag-aalala na ang mga ate ni Kris dahil ‘yung mga gamot ay umeepekto na sa veins niya at diretso sa puso.

Going back to konsi Aiko at Jovi ay humihingi sila ng panalangin para kay Kris na tulad din ng laging sinasabi ni ‘Nay Cristy na mas mahaba ang dasal niya para sa ina nina Josh at Bimb kaysa sa mga pangangailangan niya ng personal.

Netizens nagpakita ng suporta sa pagpapagamot ni Kris: Praying for her speedy recovery

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending