Kristel may ‘tumor’ sa binti, pero naoperahan na

Kristel may ‘tumor’ sa binti, pero naoperahan na: ‘One of the scariest!’

Pauline del Rosario |March 24,2024
facebook
share this

Kristel may ‘tumor’ sa binti, pero naoperahan na: ‘One of the scariest!’

Pauline del Rosario - March 24, 2024 - 06:29 PM

Kristel may ‘tumor’ sa binti, pero naoperahan na: ‘One of the scariest!’

PHOTO: Screengrab from YouTube/KrisTells vlogs

NAUNA na naming ibinalita ang tungkol sa pagsailalim sa surgery ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar sa South Korea.

Pero at that time kasi, ang tanging sinabi lang niya sa YouTube vlog ay ooperahan siya sa binti at hindi na idinetalye kung ano ang nangyari sa kanya.

At heto na nga, may bagong update si Kristel at ibinunyag niya na nagkaroon siya ng bukol sa kaliwang binti kaya niya ito ipinatanggal.

Sa latest vlog, ibinandera ng aktres ang emosyonal at nakakatakot niyang journey sa nasabing operasyon.

“I have never imagined that I would be undergoing a biopsy test in my 20s. I can say that this is one of the scariest things I’ve done,” sey ni Kristel.

Baka Bet Mo: Kristel ‘di pa pwedeng sagutin ang Korean suitor: ‘Hindi pa kasi siya INC’

Ayon sa kanya, na-diagnose siya ng tinatawag na “schwannoma,” isang bihirang klase ng “tumor” na tumutubo sa nervous system.

Nag-search din kami ng iba pang detalye tungkol sa sakit at sinabi ng National Cancer Institute, ito ay madalas na “benign” pero may rare cases din na maaari itong maging cancerous.

Ikinuwento ng “Goin’ Bulilit” alumna na naisipan niyang ipa-opera ito dahil napapansin niyang lumalaki na ang bukol.

Nabanggit pa niya na nakakaapekto na rin ito sa kanyang mental health.

“It was the hardest challenge I faced in my life,” sambit niya sa video.

Wika pa niya, “It really affected my mental health and triggered my anxiety. There were a lot of ‘what ifs’ and I cried every night to sleep.”

Bago ang kanyang surgery, ipinakita ni Kristel sa naunang vlog ang ilang masasayang moments nila ng Korean suitor na si Ha Su Hyuk, pati ng Pinay niyang kaibigan na si Moy Esguerra.

Mapapanood din na todo ang pagbabantay at alaga sa kanya ni Su Hyuk. 

Ang manliligaw ng aktres pa nga mismo ang kumukuha ng ilang video clips upang maipakita ang ilang mga kaganapan sa aktres.

Isa na riyan ay ‘yung nag-undergo siya sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) scanning.

Diyan din nalaman ni Kristel na may allergy siya dahil nagkaroon ang vlogger ng allergic reaction matapos ang nasabing laboratory test.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong Pebrero lamang nang ipinakilala ni Kristel si Su Hyuk sa publiko sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, at kasunod naman niyan ay personal din niya itong ipinakilala sa kanyang ina na si Emily.

Inamin ng aktres na kinabahan siya dahil ito ang first time na may ipinakilalang “someone” sa kanyang nanay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending