Danica Sotto inoperahan, tinanggalan ng ‘gallbladder’

Danica Sotto inoperahan, tinanggalan ng ‘gallbladder’: All is well

Pauline del Rosario - May 25, 2024 - 11:03 AM

Danica Sotto inoperahan, tinanggalan ng ‘gallbladder’: All is well

PHOTO: Instagram/@danicaspingirs

IBINANDERA ng celebrity mom na si Danica Sotto ang kanyang latest health update.

Pagbubunyag ni Danica, sumailalim siya sa isang medical operation kung saan tinanggalan siya ng gallbladder o apdo.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ipinakita ng dating aktres ang kanyang picture habang nakahiga sa hospital bed at naka-thumbs up.

Caption niya riyan, “2 days ago post-op. Goodbye gallbladder.”

“Thank you, Lord, for a smooth and successful procedure. All is well,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: Danica Sotto sa mga produkto ng broken family: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi…

Danica Sotto inoperahan, tinanggalan ng ‘gallbladder’: All is well

PHOTO: Instagram/@danicaspingris

Ayon sa academic medical center na Mayo Clinic, ang most common type ng gallbladder surgery ay ang tinatawag na “laparoscopic cholecystectomy,” isang procedure na karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng isang maliit na video camera at ilang special tools na ipinapasok sa ilang maliliit na hiwa upang makita ang loob ng tiyan at upang matanggal ang gallbladder.

Samantala, magugunita noong Marso nang masangot sa kontrobersiya si Danica at ang kanyang mister na basketball player na si Marc Pingris matapos ang kumalat ang isyung panloloko nang huli at ma-link sa aktres na si Kim Rodriguez.

Pero agad naman itong pinabulaanan ng basketball player at nilinaw na “fake news” ang kumalat na balita.

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao,” sey ni Marc sa isang pahayag.

Aniya pa, “Wag na po tayong magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto at para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless.”

Samantala, hindi na ipinagtuloy ni Danica ang kanyang pag-aartista at mas piniling mag-focus na lamang sa kanyang asawa at tatlong anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang celebrity mom ay anak ng batikang TV host-actor na si Vic Sotto at batikang aktres na si Dina Bonnevie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending