Abegail nag-‘donate’ ng memorabilia ni Francis M kay Boss Toyo

Abegail bumalik kay Boss Toyo, nag-‘donate’ ng memorabilia ni Francis M

Pauline del Rosario |March 21,2024
facebook
share this

Abegail bumalik kay Boss Toyo, nag-‘donate’ ng memorabilia ni Francis M

Pauline del Rosario - March 21, 2024 - 11:43 AM

Abegail bumalik kay Boss Toyo, nag-‘donate’ ng memorabilia ni Francis M

PHOTO: Screengrab YouTube/Boss Toyo Production

NAGING usap-usapan ulit sa social media ang nagpakilalang dating karelasyon ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na si Abegail Rait, pati ang kanilang anak na si Gaile Francesca.

Bumalik kasi sila sa businessman at content creator na si Boss Toyo ng reality-based “Pinoy Pawnstars.”

Dala ng mag-ina ang “photographs” o mga litrato na kuha ng Master Rapper bilang miyembro ng Camera Club of the Philippines.

Makikita sa uploaded video na ibinandera noong March 20 na may pirma mismo ni Francis M ang nasabing memorabilia.

Kwento ni Abegail, ang pictures ay kuha mula sa naging trip nila ng namayapang partner sa Vietnam at ilang lugar sa Pilipinas.

Unang inalok ng dating flight attendant na binebenta niya ang anim na litrato sa halagang P600,000.

Baka Bet Mo: Sey ni Abegail Rait, ‘single’ si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya

Pero kalaunan, sinabi niya na nagbibiro lang siya dahil nais niya itong i-donate sa content creator bilang pasasalamat.

“Joke lang ‘yon. Gusto ko lang talaga ‘tong ibigay sa inyo as a token of appreciation,” sey ni Abegail.

Sa latest YouTube vlog, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa ginawang pag-donate ni Abegail.

Narito ang kanilang mga sentimyento:

“Nakakalungkot kung ‘yung mga unang anak, iningatan mga gamit ng tatay nila. Etong isang anak unti unti nang binebenta.”

“Hala bakit naman binebenta, halos dapat nga i-value at itago nila kasi diba ‘dad’ nya daw Francis M.”

“Putek Bigla Akong nangilabot Nung sabihin ni Mam Abegail na ibinigay niya lang ‘yung mga photos na gawa ni Sir Francis M, goosebumps idol [smiling face with blush emoji].”

“Saludo ako sa kabaitan ng ma- inang Abegail at Chesca…Sana po panoorin muna ng viewers bago sila i-bash.”

Matatandaang unang nakilala si Abegail nang ibinenta niya kay Boss Toyo ang jersey ni Francis M.

Marami ang nagulat that time nang ibinunyag niya kung paano niya ito nakuha sa yumaong legendary rapper.

Inilahad ng dating flight attendant na naging magkarelasyon sila ni Kiko bago ito namatay at nagkaroon sila ng anak na si Gaile Francesca.

Simula noon ay naging laman na ng balita ang dating flight attendant maging ang kanyang anak.

Marami sa mga netizens pa nga ang tumawag sa kanya ng “mistress,” “homewrecker,” “kabit,” at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit ‘yan ay binigyang-linaw ni Abegail sa kanyang official statement kung saan inihayag niya na ‘di umano’y hiwalay na ang Master Rapper sa asawa nitong si Pia Arroyo-Magalona nang maging sila.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan sa kanilang paglabas sa publiko lalo na sa pamilya ni Francis M.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending