Netizens gigil kay Abegail dahil sumasayaw sa nightclub ang anak

Netizens ‘gigil mode’ kay Abegail Rait, anak viral na sumasayaw sa nightclub

Pauline del Rosario - July 13, 2024 - 01:57 PM

Netizens ‘gigil mode’ kay Abegail Rait, anak viral na sumasayaw sa nightclub

PHOTOS: Screengrab from TikTok, Facebook

MARAMI ang hindi natuwa sa recent ganap ng dating karelasyon ni Francis M na si Abegail Rait at kanilang anak na si Gaile Francesca.

Nag-viral kasi sa social media ang pagpunta nila sa isang event na naganap sa isang nightclub sa Las Piñas.

Bukod sa menor de edad si Gaile, marami ang nanggigil at pumuna kung bakit hinayaan pa itong sumayaw sa stage ng bar.

Isa sa mga kumalat na video ay mula sa TikTok user na si @renzoren na makikitang nag-twerk pa ang anak ni Abegail sa hit song na “Water” ni Tyla, at maririnig ang sigawan at palakpakan mula sa background.

Caption sa post, “Grabii kanaaa [weary face, heart emojis]”

Baka Bet Mo: Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

@renzozen #fyp #francheskamagalona #waterdance #viral ♬ original sound – Renzo

May video rin ang mag-ina na enjoy na enjoy sa bar at mapapanood na pareho silang sumasayaw habang may hawak na mga lobo.

Saad ng uploader sa TikTok post, “Pati [si] Francheska Magalona napasayaw at mama niya.”

@mcdavemale7 pati c francheska magalona napasayaw at mama nya #viral ♬ original sound – MC Dave

Sa comment section, marami ang nag-alala sa kanilang mga nakita, lalo na’t wala pa sa tamang edad si Gaile.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Minor nasa club tsk tsk tsk.”

“Kakahiya”

“Kasama pa ng nanay, may mga macho dancer pa dyan bawal bata dyan hehe”

“Ano nasa isip ng nanay niyan bakit hinahayaan anak niya [crying emoji]”

“Bakit kase pinapasok sa bar yan eh bawal minor jan [crying emoji] masamang ehemplo yung nanay”

Wala pang pahayag ang dating karelasyon ng Master Rapper tungkol sa isyu, pero tila pinatamaan niya ang bashers sa ibinandera niyang cryptic post sa Facebook.

“We are like books. Most people only see our cover, the minority only read the introduction, many people believe the critics. Few will know our content,” saad sa ipinost niyang quote mula sa French novelist at journalist na si Émile Zola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, October last year nang ibinunyag ni Abegail ang tungkol sa kanila ni Francis M at kanilang anak.

“Ang pinakamahirap na part is ‘yung situation ko, ‘yung hindi ka pwede lumabas,” sey niya.

Aniya pa, “For 15 years, nanahimik ako. I didn’t say anything about me and my daughter.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending