Bong ibinandera ang pagdoble sa teaching allowance ng mga guro

Bong ibinandera ang pagdoble sa teaching allowance ng mga guro, P10k na

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 09:46 AM

Bong ibinandera ang pagdoble sa teaching allowance ng mga guro

Bong Revilla, Coco Martin, Lito Lapid at Robin Padilla

APRUB na sa Bicameral Conference  Committee Report ng Senado ang Teaching Allowance na panukala ni Sen. Bong Revilla, Jr..

Grabe ang pasasalamat ng ating mga guro sa actor-public servant sa pagsusulong nito sa panukalang doblehin ang tinatanggap nilang teaching allowance.

Masayang ibinalita ni Sen. Bong na kasadung-kasado na ang kanyang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” matapos ma-approve ng Bicam Conference Committee ang mga probisyon ng Senado at House of Representatives, kasama ang mga miyembro ng komite, malapit nang matamasa ng mga teacher ang mga benepisyo sa ilalim nito, kapag mapirmahan na ito ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sabi ng senador, “Nag-evolve na ang pagtuturo kaya dumagdag na ang demands sa mga guro para mas epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Baka Bet Mo: Allowance ng mga guro sa darating na barangay, SK elections tataasan – Comelec

“Ayaw nating maging abonado pa sila. Kailangang yung gastusin para sa mga gamit sa pagtuturo ay di na nila huhugutin sa kanilang sariling bulsa,” aniya.

Sa Session Hall ng Senado, naglapitan ang mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon ng mga guro sa bansa – Department of Education, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition, at Philippine Public School Teachers Association. Hindi nila napigilang maging emosyonal dahil mula pa noong ika-16 na Kongreso pa nila ito hinahangad.

Sa Chairmanship ni Sen. Bong ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, naisakatuparan ang pangarap ng mga guro.

Mahalaga rin ang panukalang ito na kasama sa Top Legislative Priorities ng senador dahil ipinangako niya ito noon pa man, kaya labis ang galak niya nang siya na ang italagang Chairman ng naturang Komite ng Senado na tumalakay at nag-defend dito sa plenaryo.

Sa pagbibigay-pugay at pagpapahalaga ni Sen. Bong sa mga guro, sinabi niyang nakaukit na sa mga pahina ng kasaysayan ang kanilang kadakilaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Nakasaad sa naturang panukala, ang dating P5,000 na Teaching Allowance ay itataas na sa P10,000. Napakalaking bagay nito para sa mga gurong tinagurian ni Bong na mga “bayani” dahil sa kanilang kadakilaan at bilang “haligi ng lipunan, at tanglaw ng ating kinabukasan.”

Baka Bet Mo: Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Samantala, bukod sa mga trabaho niya sa Senado, mas magiging busy pa ngayong taon si Sen. Bong dahil sa mga gagawin niyang pelikula.

Bukod sa movie na pagsasamahan nila ng Kapuso Afternoon Drama Princess na si Jillian Ward, mukhang tuloy na tuloy na rin ang plano nilang ilaban na entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang pinaplantsa na ang mga detalye sa bonggang movie na pagsasamahan ng mga senador na sina Bong, Robin Padilla at Lito Lapid with the Teleserye King Coco Martin. Ito’y mula raw sa direksyon ni Brillante Mendoza at ipo-produce ng Imus Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending