Ruffa nanawagan para sa sister-in-law na may Leukemia: ‘Pls continue to pray’
MULING humingi ng dasal ang aktres na si Ruffa Gutierrez para sa tuluyang paggaling ng kanyang sister-in-law na si Alexa.
Para sa mga hindi aware, si Alexa ay asawa ni Elvis na isa sa mga anak nina Anabelle Rama at Eddie.
Matatandaan din na noong Enero nang ibinalita rin mismo ni Ruffa na na-diagnosed ng Leukemia ang sister-in-law.
Sa isang Instagram post recently, ibinandera ng celebrity mom ang throwback picture nila ni Alexa.
“God is a God of miracles [folded hands emoji],” panimula ng kanyang caption.
Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama inunfollow na si Sarah Lahbati sa IG
Panawagan niya, “Please continue to pray for the complete healing of this beautiful, brave soul. My sister-in-law, @alexaugutz [red heart emoji]”
Ani pa niya, “We cannot thank you enough for your words of encouragement and support. Maraming, maraming salamat po [holding back tears, folded hands emoji],” kalakip ang hashtags na “Pray for Alexa,” “Leukemia Warrior.”
View this post on Instagram
Noong January, naglabas ng saloobin ang ina ni Ruffa hinggil sa pinagdadaanan ng kanyang manugang.
Inamin ni Annabelle sa post na sobra siyang naapektuhan at hindi makapaniwala sa nangyari kay Alexa.
Aniya, bukod sa napakabait na manugang ay masinop at maalaga rin daw ito sa mga anak.
Hindi man daw siya vocal sa kanyang nararamdaman ay alam naman daw ng sister-in-law ni Ruffa kung gaano niya ito kamahal.
“I love you Alexa! Don’t worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo! [hearts emojis],” mensahe ni Annabelle.
Hiling rin niya na mas lakasan pa ni Alexa ang kanyang loob at huwag itong mag-alala dahil ready silang gabayan ang mga anak nito habang nagpapagaling siya.
“Pinagdasal kita everyday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery,” ani pa ng ina ni Ruffa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.