Kiray Celis nangako sa namayapang sister-in-law: Ako na bahala sa mga anak mo! | Bandera

Kiray Celis nangako sa namayapang sister-in-law: Ako na bahala sa mga anak mo!

Therese Arceo |September 14,2023
facebook
share this

Kiray Celis nangako sa namayapang sister-in-law: Ako na bahala sa mga anak mo!

Therese Arceo - September 14, 2023 - 06:06 PM

Kiray Celis nangako sa namayapang sister-in-law: Ako na bahala sa mga anak mo!
HINDI napigilan ng actress-comedienne na si Kiray Celis ang maging emosyonal matapos malaman ang pagkamatay ng kanyang sister-in-law.

Sa kanyang latest Facebook post ay ibinahagi ng dalaga ang kanyang mensahe para sa yumaong minamahal sa buhay.

Base sa kanyang post ay kasalukuyang nasa trabaho si Kiray nang malaman niya ang nangyari sa asawa ng kanyang kuya.

“Jhen.. habang nagiisip ako ng caption sa picture natin, kulang nalang maglupasay ako dito sa taping. Ang hirap pala magtrabaho pag nawalan ka ng isang taong mahal mo,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Pagpapatuloy ni Kiray, “Ako na bahala sa mga anak mo. Pangako mas gagalingan at pagiigihan ko pa lahat ng work ko dahil sa mga pamangkin ko.”

Nangako rin ang dalaga na hindi nito pababayaan ang mga anak na naiwan ng kanyang sister-in-law.

Baka Bet Mo: Kiray Celis muling ibinandera ang pagmamahal kay Stephan Estopia: ‘Going 4 years na tayo, kaya alam kong 4ever na ‘to! Ayiee!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa niya,”Mamimiss kita ng sobra sobra. pls pray niyo po kaming mga naiwan ng sis in law ko na mas maging matapang kami. Sobrang sakit. [sad emoji].”

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay kay Kiray.

“Expressing my deepest sympathy to your family. I pray for everyone,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “What happened mami kiray? Prayers and condolences po.”

“Our deepest sympathy to your family.
Condolence po and be strong,” hirit pa ng isang netizen.

Hindi naman na binanggit ni Kiray kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang sister-in-law.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kiray Celis nag-share ng ’14 rules’ para magkaroon ng happy marriage ang mag-asawa, nagpakasal na nga ba kay Stephan Estopia?

Kiray Celis puring-puri ng ina: Noong nagpasabog ang Panginoon ng kabaitan nasalo niya po

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending