Kiray Celis nag-share ng ’14 rules’ para magkaroon ng happy marriage ang mag-asawa, nagpakasal na nga ba kay Stephan Estopia?
FEELING “nabudol” ang mga fans at social media followers ni Kiray Celis dahil sa ipinost niyang mga litrato nila ng dyowang si Stephan Estopia sa Instagram.
Ang buong akala kasi ng mga netizen ay nagpakasal na ang Kapuso comedienne sa kanyang longtime at non-showbiz boyfriend na si Stephen matapos bumandera ang kanilang mga photos na kuha sa pinunatahan nilang event.
View this post on Instagram
Sa mga nasabing litrato ay makikita ang komedyana na nakasuot ng tila wedding gown habang naka-Barong Tagalog naman si Stephen. Kalakip nito ang caption ni Kiray tungkol sa “happy marriage.”
Sey ng komedyana sa caption, “Rules for a happy marriage:
“1. Be friends.
“2. Kiss. Hug. Hold hands.
“3. Share. Listen. Respect.
“4. Be thankful.
“5. Forgive. Forget.
“6. Never stop dating.
“7. Communicate and trust.
“8. Show gratitude.
“9. Encourage each other.
“10. Laugh together.
“11. Never stay angry at the same time.
“12. Don’t bring up the past.
“13: Say I love you.
“14: Remember why you fell in love.”
View this post on Instagram
Ngunit sa bandang ending ng kanyang post nilinaw ni Kiray na, “Lahat po yan copy paste ko lang. Hindi po kami kinasal. Umattend lang ng birthday. HAHAHAHAHA!”
Base sa IG post ni Kiray, ang may kaarawan ay ang kaibigan ni Kiray na si “Mama Liezl.”
Baka Bet Mo: Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita
Kaya naman umani ng iba’t ibang reaksyon ang IG post ni Kiray. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments ng netizens.
* * *
Ibinahagi ng Star Music artist na si Struggail o Gail Banawis ang karanasan niya sa nawalang pagkakaibigan sa bagong single na “Next 2 Me.”
Ang “Next 2 Me” ay isang jazz track na tungkol sa pagkakaibigang unti-unting nawawala at ang iba’t ibang emosyon na dala nito. Isinulat ni Struggail ang awitin habang iprinodyus naman ito ng singer-songwriter na si Lian Dyogi.
“This song reaches out to anyone who has experienced an unexpected gradual falling out with a friend, a relative, or even a lover. To anyone who ever questioned if there was anything you could’ve done to salvage it, you’re not alone,” aniya.
View this post on Instagram
Nagsimula ang musical journey ni Struggail sa pagco-cover ng iba’t ibang awitin tulad ng ballads, rap, at musical theater. Inilabas niya ang kanyang unang single na “Make U Smile” noong 2019 na umani ng mahigit 400,000 streams sa Spotify.
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta, nais niyang ibuhos ang karanasan sa mga awitin na makakapagbibigay pag-asa sa mga tao.
Bukod sa pag-awit, bumida rin siya sa iba’t ibang serye tulad ng “Love at First Stream,” “Connected,” at ang hit series na “Teen Clash.”
Pakinggan ang bagong single ni Struggail na “Next 2 Me” available sa iba’t ibang streaming platforms.
Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.