Kiray tinawag na 'best mommy' ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita | Bandera

Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita

Ervin Santiago |December 16,2021
facebook
share this

Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 07:32 AM

Kiray Celis at Stephan Estopia

“MOMMY” at “asawa ko” na ang tawag ni Stephan Estopia sa kanyang girlfriend na komedyana na si Kiray Celis.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magdyowa kasabay ng pagpapalitan nila ng nakakakilig na mensahe para sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso comedienne ng litrato nila ni Stephan kalakip ang anniversary message niya para sa pinakamamahal na boyfriend.

“Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia. 

“Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta, at pag-aaruga. Mahal na mahal kita!” pahayag ng aktres.

Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Stephan at may pasabog din na paandar para kay Kiray kung saan buong-ningning niyang tinawag na “asawa ko” ang dalaga.

Sa ipinost niyang photo sa IG ito ang isinulat niyang mensahe, “Happy anniversary mommy! I love you very very much!” 

“Thank you mommy sapagsuporta mo lagi sakin at pagmamahal. Ikaw ang pinaka-the best mommy! Wala na akong hihilingin pa.

“Habang buhay kitang mamahalin asawa ko mahal na mahal kita!” ang buong mensahe ng binata para sa kanyang girlfriend.

Maraming netizens ang nagkomento na baka raw nagpa-secret marriage na ang dalawa dahil nga sa tawagan nila sa isa’t isa. Sabi naman ng ilang fans ni Kiray, botong-boto sila kay Stephan kung sakali mang magpakasal na sila.

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kung matatandaan, noong 2019 nang aminin at ibandera ni Kiray ang relasyon nila ni Stephan na aniya’y isang gaming video creator at streamer.

Kuwento ng dalaga, pareho silang heartbroken noon ng binata nang magkrus ang kanilang landas, “Ako ipinagpalit, siya niloko nang paulit-ulit. 

“Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sa kanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba.

“At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao,yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sa ‘yo,” pahayag noon ni Kiray.

Sa isa namang interview ipinagmalaki ng aktres sa publiko na napakabait, responsable at marespeto ang kanyang boyfriend, bukod pa sa mapagmahal sa pamilya.

“Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko.

“Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganun niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko,” sey pa niya.

Patuloy pa niyang papuri sa binata, “Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa.”

Ayon pa kay Kiray, ipinagdarasal niya na sana’y si Stephan na nga ang kanyang “forever,” “Kasi ako naman talaga yung type ng tao na… ‘di ba kahit naman yung first boyfriendko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko. 

“Parang never naman tayong nag-dream na… gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever.

“Ayokong kasi nang paiba-iba. Ayokong naririnig yung sarili ko na, ‘Ex yan ni Kiray,’ alam mo yon, parang ang hirap kaya na mag-start ulit sa panibagong tao. 

“Kikilalanin mo kung ano yung gusto niya, aalamin mo kung ano yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya, ang hirap. Parang bagong tao na naman, bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan.

“Ang hirap kaya ng ganun, parang from the scratch ka ulit. Parang kang baby na nagko-crawl, na natututo ulit maglakad, magsalita, parang ganu’n. Ayoko ng ganu’ng experience,” paliwanag pa niya.

Isa sa patunay na mahal na mahal ni Stephan si Kiray ay ang pagpapa-tattoo niya ng mga mata ng dalaga sa kanyang dibdib.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Stephan Estopia (@stephan.estopia)

Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra!

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending