Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra! | Bandera

Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra!

Ervin Santiago |August 19,2021
facebook
share this

Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra!

Ervin Santiago - August 19, 2021 - 08:53 AM

Kiray Celis at Stephan Estopia

MULING ibinandera ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis ang abot-langit na pagmamahal niya sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Nag-post ng mensahe ang komedyana sa Instagram para sa birthday ng dyowa kung saan ipinagdiinan niya na hindi talaga ang “looks” o itsura ang pinakamahalagang hanapin sa isang partner. 

Nag-share si Kiray ng sweet photo nila ni Stephan habang nagtatampisaw sa pool, yakap-yakap siya ng binata at nakahalik naman si Kiray sa noo ng boyfriend.

Sabi niya sa caption, “When you start to grow and mature, you’ll realize that looks aren’t the most important thing when looking for a partner. 

“What matters most is his attitude, sense of responsibility, faithfulness and loyalty,” diin ng komedyana at vlogger.

“Choose someone who can take care of you physically, emotionally, and financially,” dugtong pa niyang mensahe.

Sa huli, sinabi ni Kiray na sapat na sa kanya ang lalaking tulad ni Stephan, “Happy happy happy birthday aking jowa na si Stephan Estopia! 

“Sabay nating aabutin lahat ng mga pangarap natin. Mahal na mahal kita! Wala na akong mahihiling pa,” aniya pa.

Sinagot naman ni Stephan ang birthday greeting ng girlfriend sa pamamagitan ng pagpo-post sa Instagram ng mga litrato ng dalaga.

“Lahat uulit-ulitin ko. Kasi gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko. Mahal na mahal kita sobra sobra sobra Kiray Celis!” ang nakakakilig na message ni Stephan.

* * *

Tiyak na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula Aug. 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na “Makulay ang Buhay” kasama sina Mom C Camille Prats, Benjie at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.

Hatid ni Mom C Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan. 

Tampok din sa “Makulay ang Buhay” ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?  

Sagot  na ‘yan nina Mom C Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Makulay ang Buhay” tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8 a.m., simula Aug  21 sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending