Kiray Celis muling ibinandera ang pagmamahal kay Stephan Estopia: 'Going 4 years na tayo, kaya alam kong 4ever na 'to! Ayiee!' | Bandera

Kiray Celis muling ibinandera ang pagmamahal kay Stephan Estopia: ‘Going 4 years na tayo, kaya alam kong 4ever na ‘to! Ayiee!’

Ervin Santiago |August 23,2023
facebook
share this

Kiray Celis muling ibinandera ang pagmamahal kay Stephan Estopia: ‘Going 4 years na tayo, kaya alam kong 4ever na ‘to! Ayiee!’

Ervin Santiago - August 23, 2023 - 09:34 AM

Kiray Celis muling ibinandera ang pagmamahal kay Stephan Estopia: 'Going 4 years na tayo, kaya alam kong 4ever na 'to! Ayiee!'

Stephan Estopia at Kiray Celis

APAT na taon nang magdyowa ngayon ang komedyanang si Kiray Celis at ang non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia.

Napa-sana all ang fans at social media followers ni Kiray nang mabasa ang kanyang super sweet birthday at pa-advance anniversary message para sa kanyang karelasyon.

In fairness, talagang pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng netizens ang mga litrato nina Kiray at Stephan na kuha sa pag-a-unwind nila sa Camp Irog, Daraitan, Tanay, Rizal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ibinandera ng Kapuso comedienne ang mga lambingan moments nila ng dyowa with matching kissing scenes sa Instagram kung saan makikita ang magandang tamarin sa Camp Irog.

Sa kanyang caption, umaasa si Kiray na pang-forever na ang pagmamahalan nila ni Stephan.

“Happy happy birthday, @stephan.estopia at advance happy Anniv! Going 4 years na tayo, Kaya alam kong 4ever nato! Ayiee!” ang mensahe ng komedyana para sa kanyang Mr. Right.

Baka Bet Mo: Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

“Btw, sa CAMP IROG sa daraitan kami nagstay! Check niyo sila! Napaka relaxing at ang ganda ganda dito!” dugtong pa niya.

Bumuhos naman ang magaganda at positibong komento mula sa netizens at halos lahat ay nagsabing sana nga ay sila na ang magkatuluyan hanggang sa ending.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephan Estopia (@stephan.estopia)


Sa isang naunang post ni Kiray, puring-puri rin nito si Stephan, “When you start to grow and mature, you’ll realize that looks aren’t the most important thing when looking for a partner.

“What matters most is his attitude, sense of responsibility, faithfulness and loyalty. Choose someone who can take care of you physically, emotionally, and financially,” aniya.

“Sabay nating aabutin lahat ng mga pangarap natin. Mahal na mahal kita! Wala na akong mahihiling pa,” dagdag pa ni Kiray.

Sagot naman ni Stephan kay Kiray, “Lahat uulit-ulitin ko. Kasi gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko. Mahal na mahal kita sobra sobra sobra Kiray Celis!”

Kiray Celis nag-share ng ’14 rules’ para magkaroon ng happy marriage ang mag-asawa, nagpakasal na nga ba kay Stephan Estopia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending