Kiray Celis muntik nang mabiktima ng mga hackers online; Kuya Kim nagpaalala tungkol sa digital identity
NGAYONG araw na, July 25, ang final deadline ng SIM Registration para sa lahat ng may pag-aaring cellphone sa bansa.
Layunin ng SIM Registration Act na maprotektahan ang bawat cellphone user mula sa mga panganib na dulot ng iba’t ibang scam o panloloko online.
Kamakailan ay naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga consumer na sumunod sa SIM Registration Act.
View this post on Instagram
Sa kampanyang “Number Mo, Identity Mo,” napatunayan nina Kim Atienza at Kiray Celis ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng SIM sa gitna ng mga pagnanakaw sa indentity ng ilang indinidwal sa social media.
Ipinakita ito sa mga nakakatawang senaryo kung saan nabiktima nga sina Kuya Kim at Kiray ng mga stand-up comedians na nagpapanggap na sila.
Sa isang presscon ipinagdiinan ni Kuya Kim ang importansiya ng SIM registration, “Ang number natin ay nakakabit sa ating digital o online identity.”
“Sa experience na ito (hacking, identity theft), marami akong natutunan, kailangan nating maging maingat sa ating identity kahit sa online space lang ito. Ang ating SIM ay hindi lang para sa ating mobile connectivity. Ito rin ay nakakabit sa ating digital identity.
Baka Bet Mo: DICT ‘nagmatigas’ sa deadline ng SIM registration: Hindi na pwedeng ma-extend ang pagpaparehistro
“Number mo, identity mo. Kaya’t mahalaga na iparehistro ito upang maiwasan ang mga scam at pagsasamantala tulad ng nangyari sa akin,” aniya pa.
View this post on Instagram
Pagbabahagi ni Kiray, “May nangha-hack ng account ko, true story ito, siguro three or four weeks ago. Buti na lang, yung OTP ko ay pumapasok sa number ko.
“So, doon namin nalaman na, ‘Ay, sino ang pumapasok sa account ko?’ Ako lang naman ang nakakaalam ng mga password ko. Buti na lang nag-send ng mga OTP and nagpalit agad ako ng mga password,” aniya pa.
Pahayag naman ni Yoly Crisanto, Corporate Communications Officer at Corporate Globe, “Online safety is a pressing issue in today’s digital age. Through this unique initiative, we hope to drive home the point that our SIMs are a crucial part of our digital identity and must be protected.
“We also want to remind our prepaid customers that they need to register their SIMs by the July 25 deadline. We urge all Globe customers to register their SIMs now,” aniya pa.
Kaya para maiwasang maging biktima ng panloloko, paulit-ulit ang panawagan ng mga communications company sa mga customer na irehistro na ang kanilang mga SIM.
PAALALA: Pagpaparehistro ng SIM cards hanggang July 25 ang deadline
Pagpaparehistro ng SIM nagsimula na; Anu-ano nga ba ang dapat gawin?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.