Pagpaparehistro ng SIM nagsimula na; Anu-ano nga ba ang dapat gawin?
NGAYONG December 27 na aarangkada ang kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang “SIM registration law.”
Ibig sabihin, umpisa na ng pagpaparehistro ng SIM sa loob ng 180 days o 6 months mula ngayong araw (Dec. 27) ng implementasyon.
Tiniyak naman ng Public telecommunications companies (PTEs) na handa na silang tumanggap ng mga customers para isagawa ang registrations.
Ngunit sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang unang dalawang linggo ay magsisilbing “test registration.”
Paliwanag ng ahensya, magiging “valid” pa rin ang gagawing rehistro pero ang kaibahan lang ay posibleng magkaroon ng minor errors dahil patuloy pa ring inaayos ng mga PTE ang proseso.
“DICT Secretary Ivan John Uy hopes that the SIM registration process can be accomplished within 180 days. Thus, we encourage subscribers to register early. The first two weeks will be a test registration, which means that registrations are valid but there could be some difficulties and minor errors as the PTEs fine-tune the implementation process,” sey ni DICT spokesperson Anna Mae Y. Lamentillo sa isang joint press briefing nitong December 26.
Nag-abiso ang DICT na kaagad i-report sa telcos sakaling nakakaranas ng glitches o technical issues.
“We would also like to remind everyone to be mindful of fake websites, phishing, and other scams that may take advantage of people trying to register their SIMs. Please always check the source of the information before following instructions especially if it comes through email or text messages. For registering, it is strongly recommended that people visit the official websites of their providers directly,” dagdag pa ni Lamentillo.
Pinaalala din ng DICT na ang SIM registration ay isasagawa through online lamang kaya siguraduhing legit ang binibisitang website.
Narito ang listahan ng websites upang makapagrehistro:
• Globe Telecom Inc.: https://new.globe.com.ph/
• Smart Communications Inc.: https://smart.com.ph/simreg
• Dito Telecommunity: https://dito.ph/RegisterDITO
Ayon sa batas, ang hindi makakapagrehistro ng SIM cards ay may multa.
Ang first offense ay mula P100,000 hanggang P300,000.
Ang second offense ay P300,000 to P500,000 at ang third and subsequent offenses ay aabot na ng P500,000 hanggang P1,000,000.
Narito ang iba pang impormasyon na kailangang tandaan sa SIM card registration law:
-
Ang mga bibili ng SIM cards ay kailangang mag-presenta ng valid identification document sa telco companies at direct sellers.
-
Ang mga may “existing” SIM cards ay kailangan mag-register sa loob ng 180 na araw mula sa pagiging epektibo ng batas dahil kung hindi, maaaring ma-”deactivate” ang number.
Sino-sino lang ang awtorisadong kumuha ng personal information?
Ayon sa batas, tanging telco companies lang ang pwedeng kumuha ng personal information para sa mga bibili ng SIM cards simula December 27.
Walang karapatan ang mga sellers o nagbebenta ng SIM na kumuha ng detalye sa kanilang customer.
Nilinaw din ng NTC na ang lahat ng SIM cards na mabibili simula December 27 ay naka-deactivate at magiging activate lang daw ikapag narehistro na sa online.
Samantala, ang postpaid subscribers ay kailangan na lamang kumpirmahin o i-update ang kanilang impormasyon sa telco companies.
Para naman sa mga lugar na walang internet, magkakaroon ng “registration centers” ang mga lokal na pamahalaan.
Kailangan pa bang magrehistro ang dayuhang turista?
Maaari ding kumuha ang mga dayuhang turista ng SIM cards, ngunit ito ay may bisa lamang ng hanggang 30 na araw.
Kailangan nilang magbigay ng kopya ng kanilang passport, proof of hotel booking at return ticket.
Ang mga banyagang may balak namang tumira, magtrabaho at mag-aral sa ating bansa ay kailangang magpakita ng government-issued permits at alien certificate of registration.
Ano ang magiging parusa?
Ang mga mahuhuling magbibigay ng maling impormasyon o namemeke ng kanilang “identity” ay posibleng patawan ng anim na buwan hanggang dalawang taon ng pagkakakulong o kaya ay magbabayad ng P100,000 to P300,000.
Sino-sino ang pwedeng magrehistro?
Gaya sa unang nabanggit, kailangang mag-register ang mga “existing” SIM subscribers – prepaid man o postpaid.
Naka-register din dapat syempre ang mga bibili ng bagong SIM, kasama na riyan ang foreign nationals.
Kung menor de edad naman ang gagamit, dapat nakapangalan sa kanilang mga magulang o guardian ang kanilang SIM cards.
May bayad ba ang pag-register?
Wala, libre ang pagpaparehistro.
Ano ang mga requirements para makapag-register?
May dalawang requirement lang ang kailangan ayon sa bagong batas.
Una na riyan ang “registration form” na makukuha mula sa telco company.
Kailangang sagutan ang nasabing form na naglalaman ng ilang personal na impormasyon tungkol sa inyo, gaya ng inyong buong pangalan, birthday at address.
Pangalawa naman ay dapat magdala ng “valid government-issued ID cards,” gaya ng passport, SSS ID, UMID, at driver’s license.
Read more:
SIM card registration aarangkada na sa Dec. 27, NTC may mga paalala sa publiko
Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato
Aicelle ayaw kumuha ng yaya para sa anak: Gusto kong maranasan yung maging nanay talaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.