Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato
Naniniwala si Senator Ronaldo dela Rosa na malaki ang maitutulong sa kampanya laban sa krimen ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2395 o ang SIM Card Registration Act.
“With the proposed measure…SIM card registration shall now be mandatory as a prerequisite for the sale thereof, including all existing SIM card subscribers with active services who shall likewise be required to register with their respective Public Telecommunications Entity,” sabi ni dela Rosa sa kanyang co-sponsorship speech sa panukala.
Ayon sa senador, ginagamit na ang cellphones ng mga scammer, maging ng mga terorista sa kanilang mga ilegal na aktibidad.
Binanggit din niya ang mga ginagawang pangloloko sa delivery riders sa pamamagitan ng mga delivery apps.
“Sadly, when these instances happen, there is no way we could identify the perpetrator and, thus, our delivery riders are left with no choice but to bear the burden of losing their hard-earned money,” aniya.
Binalikan din nito ang nangyaring ‘terror bombing incidents’ sa Mindanao at Metro Manila noong 2011, 2016 at 2019, kung saan base sa mga imbestigasyon ay cellphone ang gamit para pasabugin ang mga bomba.
Diin pa niya, hindi na nakikilala ang mga suspek sa mga krimen dahil itinatapon na lamang nila ang ginamit nilang SIM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.