Bato Dela Rosa handang maki-join kay FPRRD: I’ll take care of the President!

Malacanang file photo
NAGSALITA na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Ayon sa senador, hindi siya nagtatago at handa siyang sumama at alagaan ang dating pangulo.
Si Dela Rosa, na tinukoy bilang kasabwat sa kaso ng ICC dahil sa kanyang papel bilang hepe ng pulisya noong madugong kampanya kontra droga ni Duterte, ay iginiit na nasa bansa pa rin siya at wala siyang balak magtago.
“In the mountains of Surigao and Agusan. I’m campaigning in the mountains of Surigao. But now, I’ve come down from the mountain,” sagot niya nang tanungin kung nasaan siya, ayon sa report ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: Pangulong Duterte mas gugustuhing mamatay kaysa humarap sa ICC
Dagdag niya, “I will live a normal life unless a warrant is being served. If a warrant is being served, I’m ready.”
Ipinaliwanag din ng reelectionist senator kung bakit hindi siya nakasama kay Duterte at sa iba pang kandidato ng PDP-Laban sa naganap na “thanksgiving” rally sa Hong Kong noong Linggo, March 19.
“I was tasked to…coordinate with lawyers to come up with a petition for certiorari. We arranged and filed that, hoping we’ll be able to get positive results from the Supreme Court,” sey niya.
Inamin din niya na naka-focus siya sa kanilang petisyon at nakapatay ang kanyang telepono kaya hindi siya ma-contact noong Martes, March 11, ang araw na inaresto si Duterte.
Samantala, inanunsyo ng Korte Suprema nitong Miyerkules, March 12, na ibinasura nila ang petisyon nina Duterte at Dela Rosa na humihiling na pigilan ang gobyerno sa pakikipagtulungan sa ICC.
“If there is a warrant, I’m ready. I’ll take care of the President. That is my purpose why I’ll submit myself if there is a warrant. But so far I have no information yet,” sambit ng dating PNP chief.
Patuloy niya, “I don’t want my family to suffer from cops looking for a heartbeat. I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him. Hopefully I’ll be able to help him.”
Gayunpaman, habang handa siyang sumuko, sinabi ni Dela Rosa na hihilingin niya kay Senate President Francis Escudero na tulungan siyang ipagpaliban ang kanyang posibleng pag-aresto.
“For him not to surrender me while he can. He can do that, even if there is a warrant of arrest,” saad niya.
“He can keep me in custody as long as he can, the executive department will respect that. There are protocols like that,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung may plano siyang manatili sa Senado bilang proteksyon, sagot niya, “it’s possible, I can stay there.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.