DICT ‘nagmatigas’ sa deadline ng SIM registration: Hindi na pwedeng ma-extend ang pagpaparehistro | Bandera

DICT ‘nagmatigas’ sa deadline ng SIM registration: Hindi na pwedeng ma-extend ang pagpaparehistro

Pauline del Rosario - April 21, 2023 - 05:45 PM

Sim Card Registration Act

ILANG araw na lang ay matatapos na ang binigay na palugit upang makapagparehistro ng SIM ang lahat ng Pilipinong subscribers.

Marami ang nananawagang bigyan pa ng oras ang mga kababayan, ngunit nagmatigas na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ibinigay nitong deadline na April 26.

Inanunsyo ng DICT sa pamamagitan ng isang Facebook post na hindi na pwedeng palawigin o i-extend ang ibinigay nilang deadline para sa SIM registration.

“[DICT] has received and acknowledged the request of Public Telecommunication Entities (PTEs) to extend the SIM registration period pursuant to Republic Act 11934 or the SIM Registration Act. However, at this point, there is no extension of SIM registration,” sey ng ahensya sa inilabas na pahayag sa Facebook.

Paalala pa ng DICT sa publiko na made-deactivate ang mga SIM o eSIM sakaling hindi makapagparehistro sa itinakdang petsa.

Saad sa statement, “The DICT reminds the public that non-registration will result in the deactivation of their SIMs and eSIMs, barring them from receiving and sending calls and text messages and accessing mobile applications and digital wallets.”

Baka Bet Mo: Mga besh, knows n’yo na ba ang tungkol sa ‘Sim Card Registration Act’?

Ayon sa ulat ng National Telecommunications Commission (NTC), wala pa sa kalahati ng kabuuang SIM card holders ang nagparehistro sa kani-kanilang telecommunications provider.

Noong April 13 ay nagsumite ng position paper ang DITO sa DICT na humihiling ng 120-day extension mula sa deadline ng April 26.

Nag-file ng petisyon ang Smart sa DICT at NTC noong April 12 upang bigyan ng sapat na panahon ang lahat ng gumagamit ng mobile, lalo na ang marginalized sectors at mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas ng bansa upang magparehistro ng kanilang SIM.

Nag-request naman ang Globe ng mga alternatibong hakbang upang matugunan ang kakulangan sa pagpaparehistro ng SIM card.

Isa sa mga hiniling nila sa mga awtoridad ng gobyerno ay ‘yung tanggapin ang tinatawag na “conditional registration” upang mapanatiling aktibo ang mga SIM card na ginagamit ng mga subscribers na hindi pa nakakakuha ng valid ID.

As of April 17, ibinalita ng Smart na ang registration rate nila ay nasa 52.4%, ang DITO ay 40.2% at ang Globe ay mayroon nang 35.8%.

Kung matatandaan, ang “Sim Card Registration Act” ang kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre.

Layunin nito na maprotektahan ang SIM users mula sa mga “scam messages.”

May malaking tulong din ang bagong batas sa gobyerno upang ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.

Nauna nang sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Mas maraming Pinoy aprub sa ‘Sim Card Registration Act’ – SWS

Pauleen hindi gumamit ng impluwensiya, tiniis ang pila para makapagparehistro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending