Mga besh, knows n'yo na ba ang tungkol sa ‘Sim Card Registration Act’? | Bandera

Mga besh, knows n’yo na ba ang tungkol sa ‘Sim Card Registration Act’?

Pauline del Rosario - October 13, 2022 - 03:26 PM

MARAMI ang curious ngayon sa kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos…Ang “Sim Card Registration Act.”

Para sa mga ka-bandera na hindi pa knows kung ano ito, isa itong bagong batas para protektahan ang “SIM users” mula sa kumakalat na “scam messages.”

Ayon pa nga kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, goal nitong mag-provide ng “accountability” sa paggamit ng sim cards at matulungan ang mga awtoridad na ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.

Sey ni Gerafil, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”

Narito ang ilan sa mga dapat ninyong malaman tungkol sa SIM Card Registration Act o Republic Act No. 11934:

  • Ang mga bibili ng SIM cards ay nire-require nang mag-presenta ng valid identification document sa telco companies at direct sellers.

  • Pwedeng patawan ng kaukulang parusa ang mga magbibigay ng maling impormasyon, lalo na ‘yung mahuhuling namemeke ng kanilang “identity.”

  • Para naman sa mga mayroon nang “existing” SIM cards, kailangan ito i-register sa loob ng 180 na araw mula sa pagiging epektibo ng batas dahil kung hindi, maaaring ma-”deactivate” ang inyong number.

Sino-sino ang pwedeng magrehistro?

Gaya sa unang nabanggit, kailangang mag-register ang mga “existing” SIM subscribers – prepaid man o postpaid.

Naka-register din dapat siyempre ang mga bibili ng bagong SIM, kasama na riyan ang foreign nationals.

Kung menor de edad naman ang gagamit, dapat nakapangalan sa kanilang mga magulang o guardian ang kanilang SIM cards.

May bayad ba ang pag-register?

Wala, libre ang pagpaparehistro.

Ano ang mga requirements para makapag-register?

May dalawang requirement lang ang kailangan ayon sa bagong batas.

Una na riyan ang “registration form” na makukuha mula sa telco company.

Kailangang sagutan ang nasabing form na naglalaman ng ilang personal na impormasyon tungkol sa inyo, gaya ng inyong buong pangalan, birthday at address.

Pangalawa naman ay dapat magdala ng “valid government-issued ID cards,” gaya ng passport, SSS ID, UMID, at driver’s license.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano kung nawala o may pagbabago sa SIM Card?

Kailangang ito ipaalam kaagad sa telco provider upang ma-”deactivate” ang SIM cards sa loob ng 24 oras.

Pwede bang magkaroon ng maraming registered SIM card?

Ayon sa DICT, pwedeng magkaroon ng kahit gaano karaming SIM cards ang isang indibidwal.

Read more:

ABS-CBN kinontra ang pasabog na reklamo ni Rhys Miguel, agad daw nag-imbestiga at gumawa ng aksyon

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Shawn Mendes ‘buwaya’ sa bagong live-action movie; Darren Espanto hindi nagpakabog sa OST ng pelikula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending