Vice type magpa-eulogy kahit buhay pa: Di mo na maririnig pag patay ka na
“NARIRINIG ka pa ba nila? E, patay na!” Yan ang hugot ni Vice Ganda sa pagbibigay ng eulogy sa burol ng isang taong pumanaw.
Naniniwala si Vice na parang wala nang silbi ang pagbibigay ng eulogy sa mga lamay dahil patay na ang pinag-aalayan ng mensahe at hindi na niya ito naririnig.
Baka Bet Mo: Jo Berry may nadiskubre kay Camille Prats: ‘Totoo pala ‘yung tsismis about you…at napatunayan ko na ‘yun’
Ayon sa TV host-comedian, mas maganda at makabuluhan kung sasabihin natin ang mga gusto nating iparating sa mga mahal natin sa buhay habang nabubuhay pa.
View this post on Instagram
Sa isang episode ng “It’s Showtime”, nagsalita si Vice tungkol sa usaping ito. Aniya, may pagkakataon na nasabi niya sa kanyang kaibigan na si Anne Curtis na parang gusto niyang magpa-eulogy habang buhay pa sila.
“Sinasabi ko nga kay Anne, e. Parang gusto kong magpa-eulogy. Sabi niya, ‘Bakit ang morbid mo?’” ang sey ng komedyante sa segment na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” last Friday, March 8.
Ito’y matapos na makiramay si Vice sa naulilang pamilya ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose sa burol nito sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.
Baka Bet Mo: Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa
Patuloy niya, “Hindi, kasi kapag eulogy, yung namamatay, yung malalapit sa iyo na tao, pamilya mo, best friend mo, ang dami nilang sinasabing magaganda tungkol sa iyo.
“Naririnig ka pa ba nila? E, patay ka na, e. Hindi ka na nila maririnig. Bakit hindi natin sabihin sa mga espesyal na okasyon, pag birthday, di ba?” ang punto ng Kapamilya TV host.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Mag-inuman tayo, tapos saka natin sabihin yung mga gusto nating sabihin sa isa’t isa, yung masasarap sa pakiramdam.
“Bakit mag-aantay tayo ng eulogy? Kasi pag ginagawa natin yun, there are so much love left unspoken, di ba? Ang daming pagmamahal na hindi nasasabi. Tapos, sasabihin na lang pag kailan patay?
“Bakit hindi natin sasabihin pag birthday, di ba? Pangkaraniwang okasyon. Kasi nga hindi natin hawak ang bukas. So dahil hindi natin alam kung masasabi pa natin ito bukas, sabihin na natin ngayon,” dagdag ni Vice.
Kasunod nito, tila may patutsada naman ang komedyante sa mga reporter, “Ako kasi parang gusto ko, hangga’t buhay ako ma-enjoy ko yung puwede kong ma-enjoy kasi pag wala tayo, hindi na natin mai-enjoy iyan.
“Ang dami nating sinasabing hindi magaganda sa isa’t isa. Bakit hindi natin i-try ng magsalita ng magaganda, di ba?
“Diyos ko! Iyong parang sa mga news, iyong mga reporter, pag buhay ka, kung anu-anong sinasabi sa iyo, di ba, ng mga reporter?
“Pero kapag namatay ka, ano iyan, the legend in Philippine showbiz, an icon, one of the best. Sus! Pero nung nabubuhay, kung anu-anong tsismis ang sinulat mo, di ba?
“Let’s talk about love, speak about love, speak of love, speak for love, speak with love, speak to love, at kung ano mang preposition yan basta may love, di ba?” ang hugot pa ni Vice Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.