Andi kay Jaclyn: Ganu'n kalaki yung puso niya...sobra-sobra!

Andi kay Jaclyn: Ganu’n kalaki yung puso niya…sobra, sobra, sobra!

Ervin Santiago |March 07,2024
facebook
share this

Andi kay Jaclyn: Ganu’n kalaki yung puso niya…sobra, sobra, sobra!

Ervin Santiago - March 07, 2024 - 12:21 PM

Andi kay Jaclyn: Ganu'n kalaki yung puso niya...sobra, sobra, sobra!

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

MULING umagos ang luha sa mga mata ni Andi Eigenmann pagkatapos ng eulogy ni Coco Martin para sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose.

Ramdam na ramdam ang sakit sa pag-iyak ni Andi ngunit mapi-feel mo rin sa kanyang boses ang labis na pasasalamat sa lahat ng nagmamahal sa kanyang nanay.

Sa mensahe ni Coco, ipinagdiinan niyang napakalaki ng puso ng premyadong aktres para sa kanyang pamilya pati na rin sa mga kasamahan at katrabaho niya sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: Coco may mga nakitang premonisyon sa taping bago pumanaw si Jaclyn Jose

Isa si Coco sa mga nagbigay-pugay kay Jaclyn sa special tribute ng ABS-CBN at ng buong production ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan naging bahagi nga ang Cannes Film Festival Best Actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakasama ni Coco nu’ng gabing yun sa burol ni Jaclyn sina Vice Ganda, John Estrada, Gladys Reyes, Vandolph, Jake Ejercito, Pen Medina, Janine Gutierrez, Soliman Cruz at iba pa.

Dito nag-alay din ng panalangin sa pamamagitan ng madamdaming pagkanta sina Jed Madela, Jona at Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

Baka Bet Mo: Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Pagkatapos magbigay ng mensahe ang ilang Kapamilya stars, nagsalita nga sa harap ng mga nasa lamay si Andi na hindi napigilan ang muling maiyak.

“Maraming salamat sa pagdalaw ninyong lahat para makiramay sa pagkawala ng aking nanay.

“Di ko po ma-explain kung paano yung simple na…alam ko rin, lahat ng mga tao dito sinasabi kung gaano kami ng kapatid ko na si Gwen, kung gaano kami kamahal ni Nanay.”

“Mayroon din siya para sa inyo. Ganoon kalaki yung puso niya na sobra, sobra, sobra…” sey ng hindi na aktibong aktres na walang tigil sa paghikbi.

Pagpapatuloy niya, “She dedicated her life to me and my brother. She also dedicated her whole life to her craft. She’s been so passionate about it.

“Alam ko na sobrang saya niya na malaman na lahat kayong mahal niya, minamahal din siya. Maraming salamat po.”

Nauna rito, inalala rin ni Coco ang isang eksenang kinunan nila kamakailan sa “Batang Quiapo” kung saan kinailangan nang magpaalam ni Jaclyn bilang si Dolores sa karakter ni Ivana Alawi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, grabe raw ang ipinakitang pag-iyak ni Jaclyn sa naturang eksena na akala mo’y talagang nagpapaalam na sa kanyang tunay na anak.

Kasunod nito, sinabihan ni Coco ang beteranang aktres na kung pwedeng ulitin nila ang scene. Kailangan daw niyang kontrolin ang sobrang pagluha.

Nag-explain naman si Jaclyn kay Coco, “Kasi parang isa-isa nang nawawala yung mga character sa kulungan, eh.”

Nitong mga nakaraang araw ay palagi rin siyang niyayakap ni Jaclyn kasabay ng pagsasabi ng “I love you.”

Samantala, ibinahagi rin ng Kapamilya star ang pagtungo ng ilang cast members ng “Batang Quiapo” para makisaya sa taunang Panagbenga Festival.

“Pagdating ko pa lang ng Baguio, ikinukuwento ko na siya (Jaclyn) kay Cherry Pie. Pie alam mo pinagkukuwentuhan namin ni Mommy Jane si Ma’m Charito Solis, sina FPJ (Fernando Poe, Jr.).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos yung gabi after ng show sa Baguio, siya pa rin yung pinagkukuwentuhan namin. Yun pala, hindi namin alam may nangyari na pala,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending