Vice Ganda tinulungan ang assistant na makapagpatayo ng bahay

Vice Ganda tinulungan ang assistant na makapagpatayo ng bahay

Therese Arceo |March 01,2024
facebook
share this

Vice Ganda tinulungan ang assistant na makapagpatayo ng bahay

Therese Arceo - March 01, 2024 - 06:11 PM

Vice Ganda tinulungan ang assistant na makapagpatayo ng bahay

TALAGA namang pak na pak ang pagmamahal ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang mga kasambahay.

Sa recent episode kasi ng kanyang reality series na “Gandara the Beksplorer” Season 2 kung saan binisita niya ang bahay ng kanyang assistant na si Jacque noong nagbabakasyon siya sa Sorsogon.

Ginulat pa nga ni Vice si Jacque nang ayain niya itong mag-house tour sa kanilant ipinapagawang bahay.

Base sa kanilang kwentuhan, tatlong taon nang ipinapagawa ang bahay nina Jacque at pautay-utay ang pagpapaayos rito dahil naipapagawa lang ito kapag may extra silang pera lalo na’t sinusuportahan niya rin ang pangangailangan ng pamilya at edukasyon ng mga kapatid.

Hindi naman maiwasang maging emosyonal ni Vice habang nalalaman kung gaano nagsisikap ang assistant para maalagaan ang kanyang pamilya.

“Nakikita namin ‘yung effort niyo na iimprove ang kalidad ng buhay niyo, nakaka-proud.

Baka Bet Mo: Vice Ganda papaaralin ang female searchee sa ‘Expecially For You’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sana sa susunod na pagpunta namin dito eh maayos na siya, tapos na siya. At para masigurado nating mangyayari ‘yun, ako na ang magpapatapos ng bahay para sa’yo, para sa pamilya mo,” saad ni Vice Ganda.

Hindi naman makapaniwala ang pamilya ni Jacque sa blessing na natanggap nila mula sa Unkabogable Star.

“Papatapos na namin ‘tong bahay mo, para wala na kayong iisipin kasi ang hirap mag-isip ng madaming iisipin. Nakakapagod, nakakalungkot, nakakabawas ng saya,” pagpapatuloy ni Vice.

Ayon sa “It’s Showtime” host, talagang close na close sila ni Jacque dahil mahigit isang dekada na rin itong naninilbihan sa kanya.

“Jacque is the best girl, everybody needs a Jacque. High school pa lang siya nung nagpunta siya sa’kin tapos pinag-college ko siya, nakagraduate na siya, hanggang sa nagka-boyfriend, ngayon engaged na ‘yun,” kwento ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin rin ng komedyante na takot siyang bigla na lang mawala sa kanya ang assistant.

“Si Jacque kasi ang nakakaalam talaga ng napakaraming bagay tungkol sa buhay ko. Para ko siyang security blanket. Kapag nandiyan si Jacque, I feel safe, may mag-aalaga sa akin.

“Malaki ang utang na loob ko kay Jacque. Si Jacque, isa sa mga iilang taong pinaniwala ako na kamahal-mahal ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending