Labi ni Jaclyn Jose na-cremate na; Claudine naiyak sa burol

Labi ni Jaclyn Jose na-cremate na; Claudine napakasakit ng iyak sa burol

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

Labi ni Jaclyn Jose na-cremate na; Claudine napakasakit ng iyak sa burol

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 06:34 PM

Labi ni Jaclyn Jose na-cremate na; Claudine napakasakit ng iyak sa burol

Andi Eigenmann, Gabby Eigenmann, at Claudine Barretto sa burol ni Jaclyn Jose | Larawan mula kay Mell Navarro

NA-CREMATE na ang labi ng award-winning actress na si Jaclyn Jose at ang urn nito ang nasa kanyang burol sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta, Quezon City.

Nagsimula ang lamay para sa yumaong movie icon kamakalawa at maaaring bumisita at magbigay ng kanilang huling pamamaalam ang mga nagmamahal sa aktres hanggang sa Sabado.

Ilan sa mga celebrities na unang dumalaw sa wake ng namayapang veteran star ay sina Jake Ejercito, Alden Richards, Claudine Barretto, Lorna Tolentino, ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, Tirso Cruz III, Amy Austria, Ivana Alawi, Sylvia Sanchez, Isabel Rivas at Direk Adolfo Alix, Jr..

Bukod naman sa anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann, naroon din ang iba pang kapamilya ng aktres na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, Max Eigenmann, Michael de Mesa, Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Samantala, napakasakit ng pag-iyak ni Claudine nang dumalaw sa burol ni Jaclyn. Talagang hindi niya napigilan ang maiyak habang nakikipag-usap kina Andi at Gabby.

Nagkasama sina Jaclyn at Claudine sa hit Kapamilya series na “Mula Sa Puso” na umere noong 1997 hanggang 1999 kung saan talagang naging close sila at nagturingan na parang tunay na mag-ina.

Isa si Claudine sa mga na-shock nang mabalitaang namatay na nga ang aktres dahil sa heart attack nitong nagdaang Sabado, March 2, sa edad na 60.

Baka Bet Mo: Jake Ejercito nagpasalamat kay Jaclyn Jose: You were loved

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Idinaan ng aktres sa kanyang Instagram account ang kanyang pagkabigla sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn. Inalala din  ni Claudine ang pinagsamahan ng veteran actress bilang “magnanay.”

“Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable pain. Everything is painful. U lived 11 houses down from my house. I will miss u coming up to my room, tulog ako tatabihan mo ako,” simulang pagbabahagi ni Claudine.

Saad pa ng celebrity mom, “Pag nagising ako sasabihin mo ‘Anak na-miss ka lang ni nanay. Andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.’

“Pag may pinagdadaanan ako, tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi, ‘Nay pwede dito muna ako.’

“Yayakapin mo ako ng mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan. may mainit na sabaw, i-aakyat ni Yaya Ging sa akin,” pagbabalik-tanaw pa ni Clau.

Inamin din ni Claudine may “galit” siyang nararamdaman dahil tatlong buwan daw niyang hindi nadalaw si Jaclyn, “Galit ako kasi 3-months na kita d dinadalaw.

“Ayoko mag-isa ka. Nay, tulungan mo ako pls. I luv u sobra Nay. Ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. Ang sakit-sakit Nay. Miss na miss kita. I’m sorry d kita naramdaman gaya ng dati.

“Ikaw bilang nanay ko, alam mo may mali, andito ka kaagad. Mahal na mahal kita Nay,” ang emosyonal pang pahayag ni Claudine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang presscon, ibinahagi ni Andi ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng ina, “I announce the untimely passing of my nanay Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to myocardial infarction or a heart attack.”

“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending