Claudine wasak sa pagpanaw ni Jaclyn: Galit ako...ang sakit-sakit!

Claudine wasak sa pagkamatay ni Jaclyn: Galit ako…ang sakit-sakit Nay!

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

Claudine wasak sa pagkamatay ni Jaclyn: Galit ako…ang sakit-sakit Nay!

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 10:58 AM

Claudine wasak sa pagkamatay ni Jaclyn: Galit ako...ang sakit-sakit Nay!

Jaclyn Jose at Claudine Barretto

TUMATAGOS sa puso ang mensahe ng pamamaalam ni Claudine Barretto para sa pumanaw na premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

Nagkasama si Jaclyn at Claudine sa hit Kapamilya series na “Mula Sa Puso” na umere noong 1997 hanggang 1999 kung saan talagang naging close sila at nagturingan na parang tunay na mag-ina.

Isa si Claudine sa mga na-shock nang mabalitaang namatay na nga si Jaclyn dahil sa heart attack nitong nagdaang Sabado, March 2, sa edad na 60.

Idinaan ng aktres sa kanyang Instagram account ang kanyang pagkabigla sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn. Inalala din  ni Claudine ang pinagsamahan ng veteran actress bilang “magnanay.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara

“Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable pain. Everything is painful.

“U lived 11 houses down from my house. I will miss u coming up to my room, tulog ako tatabihan mo ako,” simulang pagbabahagi ni Claudine.

Saad pa ng celebrity mom, “Pag nagising ako sasabihin mo ‘Anak na-miss ka lang ni nanay. Andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pag may pinagdadaanan ako, tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi, ‘Nay pwede dito muna ako.’

Baka Bet Mo: Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

“Yayakapin mo ako ng mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan. may mainit na sabaw, i-aakyat ni Yaya Ging sa akin,” pagbabalik-tanaw pa ni Clau.

Inamin din ni Claudine may “galit” siyang nararamdaman dahil tatlong buwan daw niyang hindi nadalaw si Jaclyn, “Galit ako kasi 3-months na kita d dinadalaw.

“Ayoko mag-isa ka. Nay, tulungan mo ako pls. I luv u sobra Nay.

“Ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. Ang sakit-sakit Nay. Miss na miss kita. I’m sorry d kita naramdaman gaya ng dati.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ikaw bilang nanay ko, alam mo may mali, andito ka kaagad. Mahal na mahal kita Nay,” ang emosyonal pang pahayag ni Claudine Barretto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending