Jasmine sa KathNiel, BeaDom breakup: OMG! Pass!

Jasmine Curtis sa KathNiel, BeaDom breakup: OMG! Wala ako diyan! Pass!

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Jasmine Curtis sa KathNiel, BeaDom breakup: OMG! Wala ako diyan! Pass!

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 06:00 AM

Jasmine Curtis sa KathNiel, BeaDom breakup: OMG! Wala ako diyan! Pass!

Jeff Ortega at Jasmine Curtis

WALONG taon nang magkarelasyon sina Jasmine Curtis at Jeff Ortega at in fairness, mukhang going strong pa rin ang kanilang pagsasama.

Kasal na lang talaga ang kulang sa magdyowa dahil ilang years na rin naman silang nagli-live in.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang Kapuso actress sa presscon ng upcoming movie niyang “A Glimpse of Forever” under Viva Films last February 15.

Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Isa nga sa mga nausisa sa kanya ay ang relasyon nila ni Jeff na malapit nang mag-isang dekada at kung ano ang reaksyon niya sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Naku, hindi kami, huwag naman kami!” ang natawang sagot ni Jasmine.

Patuloy niya, “Ang lungkot. Ang lungkot kasi siyempre napapa-reflect kami pareho ni Jeff kapag ganu’n na, ‘Sayang, no, hindi nag-work?’

“Parang, you always hope the best for couples and for people, but, you know, if it’s not meant, huwag pilitin para naman everyone can move on and find what’s best for them,” sey pa ng sisteraka ni Anne Curtis.

May nagsabi naman kay Jasmine na mukhang hindi sila kasama ni Jeff sa “sumpa” ng hiwalayan sa showbiz pati na ang kapatid niyang si Anne na super happy and contented sa married life nila ni Erwan Heussaff.

“Yes, amen, stop the cycle,” ang reaksyon naman ni Jasmine.

Natanong din sa aktres kung kanino ba siya mas nalungkot at mas naapektuhang showbiz breakup – sa KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) o sa BeaDom (Bea Alonzo at Dominic Roque).

Baka Bet Mo: Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

“Oh my God! Wala ako diyan! Pass!” ang natawa sagot ni Jasmine na ayaw halatang ayaw madamay sa issue ng nagkahiwalay na celebrity couple.

Inamin ni Jasmine na may mga pagkakataong nagkaka-clash din sila ni Jeff at iba-iba ang approach nila sa pag-resolve ng kanilang mga isyu at problema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre minsan diretso ng tanung-tanong, confront-confront. Pero may mga times that if that doesn’t work, so ako yung nagko-confront, siya yung tahimik, ‘Sige, sige.’

“Hahayaan niya akong maglabas, kumuda nang kumuda, then hanggang mag-chill na ako, chill na kami pareho, minsan pag-uusapan pa, minsan hindi na kailangan.

“Kasi parang pareho ng, ‘Gets mo na kung saan ka mali.’ ‘Gets mo na kung saan ka petty.’ Mature enough na tayo to own up, di ba?” aniya pa.

Samantala, bibida nga si Jasmine sa bagong pelikula ng Viva Films, “A Glimpse Of Forever” kasama sina Jerome Ponce at Diego Loyzaga, mula sa direksyon ni John Paul Laxamana.

May isang eksena raw siya sa movie na talagang nagmura siya nang bonggang-bongga sa movie na hindi niya nagagawa sa TV.

“Oo, e, bawal talaga sa teleserye. Masarap, masarap magmura pagka pelikula kasi mas free ang scope of language mo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide  ang “A Glimpse Of Forever” simula sa March 6.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending