Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden | Bandera

Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Ervin Santiago |June 27,2021
facebook
share this

Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

Ervin Santiago - June 27, 2021 - 12:34 PM

MARAMI ang nagtatanong kung hiwalay na ba si Jasmine Curtis sa non-showbiz boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Pansin kasi ng mga netizens, hindi na nagpo-post ang Kapuso actress sa social media ng mga ganap sa kanila ng regional director ng Department of Tourism sa La Union.

Ayon sa ilang IG followers ni Jasmine, maaaring hindi na raw natagalan ng magdyowa ang LDR o long distance relationship kaya nagdesisyong mag-break na lang.

Paniwala naman ng ilang netizens, baka raw hindi pa talaga nagkikita uli ang dalawa dahil sa pandemya kaya walang bagong ipino-post si Jasmine sa kanyang socmed accounts.

Hindi na rin kasi nagse-share ng updates sa kanyang love life ang Kapuso actress kaya marami ang nanghuhula na baka raw single na uli ngayon ang dalaga.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bagong primetime series ni Jasmine sa GMA, ang “The World Between Us” kung saan makakatambal niya uli si Alden Richards, natanong ang dalaga about her “status.”
Ngumiti muna nang makahulugan ang dalaga sabay dialogue ng, “May nagsabi bang single ako?” 

Aniya, hangga’t maaari raw ay ayaw na muna niyang pag-usapan ang kanyang private life at mas gusto muna niyang mag-focus sa pagtatrabaho.

“As much as possible po kasi, gusto ko, ang ano po ng mga tao ang pag-usapan tungkol sa akin is yung project po talaga.

“Para matuwa naman sa akin ang mga nakakatrabaho ko din po, para mabigyan ko rin po ng opportunity na yun talaga ang highlight ng mga articles kung saan man po ako mapadpad na napag-uusapan,” paliwanag ng dalaga.

At isa nga sa gustong ibandera ni Jasmine sa publiko ay ang unang full-length TV series nila ni Alden, ang “The World Between Us” na talagang ipinagmamalaki niya sa buong universe.

Natanong ang dalaga kung paano niya ilalarawan ang samahan nila ngayon ni Alden matapos magkasama sa ilang projects ng GMA.

“Alden and I kasi, we met way, way back. Like 10 years ago when we were both starting in the industry and we’re both still building our confidence, our core here. We’re still there, we’re still continuously building that.

“Pero what I can say naman, every time na nagkakaroon kami ng encounter sa isa’t isa, whether or not may problem, nakikita mo yung lalim, yung depth nang napuntahan ng isa’t isa.

“Kasi years din minsan ang pagitan ng work namin or encounter lang sa isang event. But then, the experiences na nae-encounter namin individually, kapag nagkita ulit kami, you can see that there’s something different with the person.

“Hindi mo naman mapi-pinpoint iyon. I don’t think I can really find what it is that he’s grown into or what really changed.

“But you know, as a professional, definitely you see the big shift, how he’s shifted trajectory or how it made him the actor that he is now.

“Ako, with the last two projects that we worked on together, now is the only time that I really get to dive in, iyong depth na iyon. Kasi ngayon lang din kami magkakaroon ng panahon para i-explore iyon together,” mahabang chika ni Jasmine.

Aniya pa, “Yung growth ng characters namin dito, parang ganoon din iyong growth ng friendship namin, iyong connection namin sa isa’t isa.

“Meron din siyang napupuntahang depth and meron din siyang learnings along the way about each other. May mga kuwentuhan on the side that we can have a chance to really get to know each other personally more. Because we have the chance now.

“You cannot put a number on how much we’ve improved. All I can say, is there’s always something stronger when we get to connect with each other every time na magkakatrabaho kami. And I hope that’s something na makikita niyo po rito as Louie and Lia,” kuwento pa niya na ang tinutukoy ay ang mga karakter nila ni Alden sa “The World Between Us.”

Naniniwala rin ang Kapuso star na hindi dapat inihahalo ang personal na buhay sa trabaho, “Kailangan kasi kapag pumapasok ka sa isang project, you have to remember, this is work.

“So everything that’s personal, iplantsa mo iyan on your own, personal mo iyan na tatrabahuhin. Pero pagdating dito, kailangan kasi iyong inhibition na iyon, you put your guard down.

“Kailangan maging open ka sa magiging katrabaho mo. Para whatever they feel, you let yourself be affected by it. Kasi napaka-importante noon, di ba? Hindi magwu-work e, kung hindi mo ibibigay sa kaharap mo.

“Especially with Alden, matagal na kaming magkakilala. Every time we see each other and even if we never get the chance to know each other that deep yet, pero yung comfort, ang galing.

“Ako, it’s my personality that, ‘ah okay, been there, done that.’ I don’t get affected by anything.

“Even personally ano, yung mga inhibition, because I’m part of a relationship or whatever or I’m the sister of ganyan, baka may maisip ang ibang tao.

“I don’t let that affect my work because napaka-unfair din naman sa sarili ko at sa mga makakapareha ko, di ba?

“Hindi ko iyon dapat hayaan na maapektuhan kami at iyong chemistry namin and iyong ibibigay namin sa show, kasi na-entrust sa amin. I have to be able to overcome that personally. And ako naman, feeling ko, nalagpasan ko na iyon.

“Nara-ride ko na iyong wave naming dalawa ni Alden. We got that kilig going on and alam na namin paano i-let iyong kilig na iyon and ma-reach iyon personally and professionally.

“Nandoon na kami, nakuha na namin and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko iyong kilig every time we’re on that scene and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga,” mahabang paliwanag pa ni Jasmine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula nang umere ang “The World Between Us” sa GMA Telebabad sa July 5, pagkatapos ng “24 Oras.” Makakasama rin dito sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending