Anne Curtis nag-ala Taylor Swift sa bday prod, mga OFW ‘umuwi’
PASABOG ang selebrasyon ng nag-iisang dyosa na si Anne Curtis matapos siyang mag-ala Taylor Swift sa kanyang birthday prod sa “It’s Showtime“.
Matapos ang kanyang selebrasyon sa Australia kasama ang pamilya at kaibigan kung saan nanood sila ng “The Eras Tour”, umuwi sa Pilipinas ang aktres at dinala sa Kapamilya noontime program ang kanyang naging Taylor Swift experience.
Kuhang-kuha naman ni Anne ang vibe pati na rin ang mga concert outfits ng American singer-songwriter na talaga namang agad itong nag-trending sa social media.
Ilan sa mga kinanta ng “It’s Showtime” host ay ang “…Ready For It?”, “Cruel Summer”, “Bejewelled”, “Enchanted”, at “Shake It Off”.
Tila nagmula ang concept ni Anne na mag-ala Taylor nang hamunin siya ng isang netizen sa X (dating Twitter) na dalhin ang “Eras” vibe sa kanyang birthday prod.
Bukod sa Taylor Swift concert inspired ang kanyang birthday prod ay mawawala nga ba ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na umuwi para maki-celebrate sa kanyang kaarawan.
Baka Bet Mo: Anne Curtis sinupalpal ang netizen na umepal sa pagpo-post niya ng P.A. sa IG
View this post on Instagram
“Siyempre ang kasama rin natin today ngayon at sobra kong na-appreciate talaga ay ang ating mga minamahal na OFW […] na talagang nagbigay ng time to celebrate with me sa birthday ko dito,” pagbabahagi ni Anne.
Dito nga ay nabanggit niya ang pag-trending muli ng kanilang lokohan ni Vice Ganda noong nagho-host sila ng “Tawag Ng Tanghalan” ukol sa mga OFW na hindi makauwi sa Pilipinas para mag-celebrate ng okasyon kasama ang kanilang pamilya.
Tila lutang kasi noon si Anne at sinabing “birthday ko?” na siya namang palarong sinagot ni Vice.
Matagal na ang naturang lutang moments niya ngunit for sime reason ay muli itong nag-trending ngayong taon.
“At ang mga OFW na talagang kuha ang It’s Showtime humor, nagpo-post ng mga boarding pass nila na pauwi para sa birthday ko, nagpo-post sila ng ulam na iluluto nila sa birthday ko. Talagang pinleytaym nila so I thought it would be nice if I can invite them to celebrate my birthday,” saad ni Anne.
Dagdag pa niya, “I know na it’s a joke, biru-biruan natin but I hope na during those times na nami-miss n’yo ang pamilya [n’yo], I’m able to bring you happiness dahil sa joke na ‘yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.