Anne Curtis nabahala sa drilling operations sa Masungi Georeserve
NANAWAGAN ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis tungkol sa “critical threat” na nangyayari ngayon sa Masungi Georeserve.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, ibinahagi niya ang tweet Masungi Georeserve ukol sa kasalukuyang multiple drilling operations na nangyayari sa lugar.
“URGENT ALERT: Critical Threat to Masungi’s Biodiversity Unveiled! In a shocking revelation, our drone surveillance uncovered multiple drilling operations by Rizal Wind Energy Corp., backed by Singapore-based Vena Energy, aggressively breaching the pristine Masungi limestone formation,” ayon sa tweet ng Masungi Georeserve X page na ni-retweet ni Anne.
Ang Masungi Georeserve ay isang conservation area na matatagpuan southern Sierra Madre range sa Baras, Rizal.
Saad pa ni Anne, “I hope attention is brought to this. We really need to start prioritising what beauty we have left!”
“Specially places that are close to the Metro. Konti na lang [natitira] na malapit [sad emoji],” pagpapatuloy niya.
Baka Bet Mo: Anne Curtis sinupalpal ang netizen na umepal sa pagpo-post niya ng P.A. sa IG
View this post on Instagram
Base sa post ng Masungi, nagkakaroon ng multiple drilling operations ang Rizal Wind Energy Corporation na suportado ng Singapore-based Vena Energy.
At dahil nga sa patuloy na drilling operations ay nasisira ang limestone formation sa lugar at nabubulaboh ang mga wild animals na naninirahan doon.
Marami naman sa mga netizens ang humanga kay Anne dahil sa paggamit nito ng kanyang platform upang manawagan na aksyunan ang nagaganap sa Masungi Georeserve.
“Thanks for speaking out. Need talaga to call out everyone’s attention to protect this jewel,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Thank you so much for speaking up, Anne. I hope some people will take action.”
“thank you for using your platform and reach for important things :< sana talaga maprotektahan,” sey naman ng isa.
Sa ngayon ay wala pang tugon o pahayag ang Department of Environment and Natural Resources o DENR tungkol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.