Anne Curtis sinupalpal ang netizen na umepal sa pagpo-post niya ng P.A. sa IG
HINDI pinalagpas ng “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ang komento ng isang netizen hinggil sa kanyang personal assitant na si Maryann Ontay.
Kahapon, January 22, ibinandera ng actress-TV host ang larawan nila ng kanyang PA sa Instagram bilang pagbati sa kaarawan nito.
Saad ni Anne, “To our dearest @meanontay, happy happy birthday. We are so blessed to have you as part of our family. We love you so much Dahlia’s Tita Me! Happy happy birthday!”
Sa ngayon ay si Maryann na rin ang nag-aalaga sa anak nila ni Erwan na si Dahlia.
Makikitang maging ang ilang kaibigan ni Anne sa showbiz na sina Bea Alonzo, Jugs Jugueta, Angelica Panganiban, Liz Uy, Iza Calzado, Iya Villania at marami pang iba ang nagpaabot rin ng kanilang pagbati kay Maryann.
Ngunit sa kabila ng masayang post ay isang comment naman ang kapansin-pansin dahil tila hindi nito nagustuhan ang pagpo-post ng “It’s Showtime” host ng larawan nila ng PA Instagram feed nito.
Baka Bet Mo: Anne Curtis baka mawalan ng kontrata dahil kay Vice: Sorry po, hindi ko sinasadya
View this post on Instagram
“Happy Birthday po!! Pero suggest ko lang you can post it nalang sa story ung birthday greetings instead IG post, since hindi po bagay sa IG feed niyo po,” saad ng netizen.
May respetong sinagot naman ni Anne ang comment ng netizen at sinabing pamilya na para sa kanya si Maryann.
Bukod pa rito, hindi rin naman daw curated ang kanyang IG feed kaya ok lang na mag-post siya mg kahit anong nais niya.
“She’s a family member so bagay talaga sya sa feed ko [raising hands emoji] plus hindi naman curated feed ko. So walang ganyan ganyan. But thank you sa suggestion [face blowing a kiss emoji],” sey ni Anne.
Dahil rito ay mas marami pa ang pumuri sa kagandahang loob na mayroon ang TV host-actress pati na din sa kung paano ito trumato ng kanyang kapwa na may pagmamahal at respeto.
Kamakailan ay nag-trending si Anne dahil sa kanilang “brandagulan” ni Vice Ganda kung saan aksidente niyang nasabi ang catch line ng fastfood restaurant na kalaban ng kanyang iniendorso.
Nag-sorry naman ito at inaming may “lapse of judgment” kaya niya ito nabanggit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.