Bela naloka sa netizen, napagkamalang si Bea

Bela naloka sa netizen, napagkamalang si Bea: ‘Ano ‘yung kay Dominic?’

Pauline del Rosario |February 24,2024
facebook
share this

Bela naloka sa netizen, napagkamalang si Bea: ‘Ano ‘yung kay Dominic?’

Pauline del Rosario - February 24, 2024 - 11:29 AM

Bela naloka sa netizen, napagkamalang si Bea: ‘Ano ‘yung kay Dominic?’

Bela Padilla, Bea Alonzo

MAGKAMUKHA ba si Bela Padilla at si Bea Alonzo?

Nakakaloka kasi ‘yung naging comment ng isang netizen sa recent Instagram post ni Bela na tila napagkamalan siyang si Bea.

Sa post, ibinandera ni Bela ang isang matamis na mensahe para sa Swiss boyfriend na si Norman Bay dahil ipinagdiriwang ng couple ang ika-4th anniversary nila.

Makikita sa comment section na bumuhos ang “congratulatory” messages ng netizens.

Pero agaw-pansin ang komento ng isang IG user na tila gigil na gigil at binanggit pa ang pangalan ng aktor na si Dominic Roque.

Baka Bet Mo: Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage

Tila inakala siguro ng netizen na si Bea ang nag-post.

“Bakit anniversary? Ano yung kay Dominic? Kaloka nakakawalang respeto sa self [crying face emoji],” wika ng nag-comment.

Nag-reply naman diyan si Bela ng tatlong question marks.

Kahit walang sinabi ang aktres ay halatang takang-taka siya sa komento ng nasabing netizen.

Bela naloka sa netizen, napagkamalang si Bea: ‘Ano ‘yung kay Dominic?’

PHOTO: Instagram/@bela

Bukod kay Bela, marami rin ang nag-react at karamihan sa kanila ay tawang-tawa sa nag-koment.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Kalurky ka po! Si Bela Padilla ‘yan hindi si Bea HAHAHA”

“Sana okay ka lang [laughing emoji]”

“Hahaha lashing ka ba o naka-high [laughing emojis]”

“So funny! Bela po yan not Bea [laughing emojis]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong February 11 nang kinumpirma mismo nina Bea at Dom ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng isang joint statement na ibinandera sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending