Maris, Rico unang nag-date sa Vegas, paano nagkadebelopan?

Maris unang nakipag-date kay Rico sa Las Vegas, paano nagkadebelopan?

Ervin Santiago |February 22,2024
facebook
share this

Maris unang nakipag-date kay Rico sa Las Vegas, paano nagkadebelopan?

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 08:06 AM

Maris unang nakipag-date kay Rico sa Las Vegas, paano nagkadebelopan?

Rico Blanco at Maris Racal

KILIG overload ang pakikipagchikahan ng Kapamilya actress na si Maris Racal kay Dra. Vicki Belo tungkol sa lovelife at pakikipagrelasyon.

Game na game na nag-share ang dalaga sa latest YouTube vlog ni Vicki ng mga kaganapan sa relationship nila ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco.

Ang naturang vlog ay may titulong “Binondo Food Crawl and Maris Racal and Rico Blanco’s love story” kung saan kilig na kilig ngang inalala ng aktres ang mga sweet moments nila ng singer-songwriter.

Sa unang bahagi ng panayam ni Vicki, naikuwento ni Maris kung paano nagsimula ang kanilang love story at kung paano nahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Umamin ang Kapamilya star na nagsimula silang ma-develop sa isa’t isa matapos silang magkaroon ng ilang collaboration projects na may konek sa musika.

Hanggang sa bigla na lamang daw siyang inimbitahan ni Rico sa isang event at in fairness, pumayag naman daw siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @ricoblanco100


“One day, bigla na lang siyang nag-aya, hindi movie eh, parang invite siya, music event. Nahiya ako. Sabi ko na lang may movie akong gustong panoorin,” kuwento ng leading lady ni Anthony Jennings sa “Can’t Buy Me Love.”

Dugtong ng aktres, “Nag-change ‘yung mind ko, sabi ko sa kanya punta na lang tayo sa event ni Rambo (Nuñez). Ang cute pa ng moment na ‘yun, parang nagkakamabutihan sila nu’n ulit ni ate Maja (Salvador) ulit. Sobrang sabay namin together.”

Baka Bet Mo: Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Habang lumilipas ang mga araw, napi-feel ni Maris na parang may “something” na siyang nararamdaman para kay Rico.

“Bigla na lang nagkadebelopan, I kept it for two years. ‘Yung quiet na two years na ‘yun like it was one of the happiest years na na-experience ko kasi totoo lang siya. Masaya lang kami, we never dated outside here in the Philippines,” pagbabahagi ni Maris.

Kilig pa more ang dalaga sa pagbabahagi ng unang date nila ni Rico, “Nu’ng time na may work ako sa States, nagkaroon ako ng five days off sa Vegas then sumunod siya and that that was our first date ever.”

Muli, nasabi ni Maris kay Vicki na walang isyu sa kanya kung 24 years man ang agwat ng edad niya kay Rico, dahil ang mahalaga raw ay nagmamahalan at nagkakaintindihan sila kahit na may generation gap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ibinandera nina Maris at Rico sa buong universe ang kanilang relasyon noong May, 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending