Aga Muhlach nachakahan sa sarili: Ang hirap maging mataba

Aga Muhlach nachakahan sa sarili: Ang hirap maging mataba

Therese Arceo |February 07,2024
facebook
share this

Aga Muhlach nachakahan sa sarili: Ang hirap maging mataba

Therese Arceo - February 07, 2024 - 01:50 PM

Aga Muhlach nachakahan sa sarili: Ang hirap maging mataba

Aga Muhlach

\NAGULAT ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa rebelasyon ng aktor na si Aga Muhlach na minsa’y napangitan siya sa sarili.

Nag-guest kasi ang hearthrob actor sa vlog ni Vice na uploaded nitong February 4 sa YouTube.

May portion kasi sa kanilang sitdown interview na nagpakita si Vice ng mga throwbach pictures ni Aga at ang isa nga rito ay makikitang topless siya habang naliligo sa beach.

“Hindi ako sanay maghubad talaga. [‘Yung] magtanggal ng shirt… Hindi ako sanay. Takot akong maghubad,” pagbabahagi ng aktor

Ani Vice, medyo bata pa si Aga doon kaya mahirap pang lagyan ng malisya kaya naman nagpakita siya ulit ng topless ang aktor na kita ang kanyang abs.

“So this is one time I did Men’s Health [magazine]. Even sa Men’s Health ko, nakaganon ako [nakahalukipkip] parang hindi ako sanay. Nahihiya talaga ako,” lahad ng aktor.

Baka Bet Mo: Vice Ganda hiniritan si Aga Muhlach: Sa Showtime naman si Andres

Chika pa niya, nakaramdam raw siya ng pagsisisi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kung ngayon, pumayat ako, mag-cut ako ngayon, maghuhubad talaga ako. Kasi ang hirap maging mataba,” sey ni Aga.

Dito naitanong ni Vice kung may moment sa buhay ng aktor na pakiramdam niya ay chaka siya.

“Oo naman,” sagot ni Aga.

“Nakakaloka, ano? Kayong mga ganyan, may times na feeling n’yo chaka kayo,” hirit naman ni Vice

“Oo naman. Kaya nagtatago ka, e,” ani Aga.

Sa tuwing nararamdaman daw ng aktor ‘yun ay hindi sita nagpokita sa madlang pipol.

“Basta ‘pag hindi n’yo ako nakikita ‘yon na ‘yon or in my younger years. In my 40s, may mga ganoon. May mga times na I was just tired and feeling yuck. Insecure but sa looks. With my life kasi happy naman talaga ako sa buhay,” pagbabahagi ni Aga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero dahil nga nasa industriya pa siya at gumagawa ng proyekto, kailangang lumaban at magpapayat.

Hirit pa ni Aga, abangan raw ng madlang pipol ang kanyang pagpayat dahil paniguradong mauulit muli ang kanyang era na may abs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending