Lolit hinamon si Kyline: Pag 'di niya napatunayan hindi ko siya titigilan | Bandera

Lolit hinamon si Kyline: Pag ‘di niya napatunayan hindi ko siya titigilan

Ervin Santiago |January 29,2024
facebook
share this

Lolit hinamon si Kyline: Pag ‘di niya napatunayan hindi ko siya titigilan

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 02:02 PM

Lolit hinamon si Kyline: Pag 'di niya napatunayan hindi ko siya titigilan

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Paolo Contis at Lolit Solis

HINDI naman daw matindi ang galit ng talent manager at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis kay Kyline Alcantara.

Hot topic ngayon sa social media at sa umpukan ng ating mga ka-Marites ang pagtatanggol ni Nanay Lolit sa alaga niyang si Paolo Contis na nadadamay ngayon sa breakup nina Kyline at Mavy Legaspi.

Pasabog ng manager ni Paolo sa kanyang Instagram account, “Uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline.

“Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)


“I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka,” ang matapang na pahayag ng talent manager.

Baka Bet Mo: Rendon Labador pinatutsadahan si Cristy Fermin: Palibhasa hindi ka nadidiligan

Aniya pa, “I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me.

“Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan.”

Sa sumunod niyang IG post, ito naman ang litanya ni Nanay Lolit, “Sa tutoo lang, hindi naman ako galit, nainis lang ako na sinasali niya ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila ni Mavy Legazpi.

“Hindi maganda iyon gumamit ka ng alibi pag hindi naging maayos ang relasyon mo. Kasi kayo lang dalawa ng partner mo ang may issue, kaya bakit kailangan isali ang ibang tao.

“Dapat matutuhan ito ni Kyline lalo pa at hindi lang si Paolo Contis ang madaramay sa mga sinasabi niya. At hindi puwede na basta na lang palagpasin iyon inilalabas niyang dahilan,” pahayag ni Nanay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Pagpapatuloy pa niya, “Pag hindi niya ito napatunayan talagang hindi ko siya titigilan. Kawawa naman si Paolo Contis kung masisira siya dahil lang sa mga walang basehan na kuwento ng hindi pa sumisikat na tulad ni Kyline Alcantara.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, anyare?

“Mas malaking artista si Paolo Contis kaya mas dapat proteksionan. Kaya mag isip ka munang mabuti bago ka mandamay ng tao sa problema mo Kyline Alcantara.

“Your problems is your to tackle, hindi dapat isama ibang tao lalo na si Paolo Contis,” ang mariing punto pa ng veteran showbiz columnist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Kyline. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging official statement hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending