Glam team ni Pia hindi pinasakay sa eroplano, may kopek si Heart?

Glam team ni Pia hindi pinasakay sa eroplano, may kinalaman kaya si Heart?

Reggee Bonoan |January 23,2024
facebook
share this

Glam team ni Pia hindi pinasakay sa eroplano, may kinalaman kaya si Heart?

Reggee Bonoan - January 23, 2024 - 06:09 PM

Glam team ni Pia hindi pinasakay sa eroplano, may kinalaman kaya si Heart?

Pia Wurtzbach at Heart Evangelista

MAY kinalaman kaya ang kilalang luxury influencer ng Pilipinas na si Heart Evangelista sa inisyung hold departure order sa dati niyang glam team?

Hindi kasi pinasakay ng eroplano ang glam team sa pangunguna ng dati niyang make-up artist na si Justin Luis Soriano, patungong Dubai noong Enero 22 para i-meet ang kilalang fashion designer na sina Mark Bumgarner at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ang nasabing glam team dati ni Heart ay na kay Pia na ngayon.

Base sa report ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload ngayong hapon sa YouTube channel, nagulat ang grupo na hindi sila puwedeng umalis ng bansa.

“Hindi sila natuloy makasakay ng eroplano. Sa check in counter pa lang ay nagtagal na ang glam team ni Pia at nakipagtalo pa sila dahil ayaw silang isyuhan ng boarding pass.

Baka Bet Mo: Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

“Nakipagtalo pa sila (glam team) sa airline staff dahil porke’t free miles ni Pia ang gamit ay hindi na sila pasasakayin?

“Diumano ang akala ng members ng glam team ay na-bump off talaga sila.  Ang tsika sa amin na sana ay hindi ito totoo ay ipinatawag sila sa Immigration area para ito ang magsabi na sila ay may hold departure order.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“Na-shock na lang daw ang buong glam team sa kanilang narinig kaya ‘yung aming source na isang airport personnel ay nagtanong sa akin kung may koneksyon daw kaya ang hold departure order sa isyu ng glam team kay Heart Evangelista?

“Tinanong pa ako kung sinampahan ba ni Heart ng kaso ang dating glam team kaya nagkaroon ng hold departure order? ‘Yan ang mga tanong na honestly hindi ko alam ang sagot.

“Mahirap magturo o basta maniwala kaya magtatanong-tanong din kami kung totoong may hold departure order na ibig sabihin ay hindi sila puwedeng lumabas ng ‘Pinas,” kuwento ni Ogie.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?

Matatandaang nagkaroon ng falling out si Heart at ang glam team niya dahil sa tsikang pangit daw na ugali at hindi magandang pag-trato ng influencer sa grupo.

Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart ng kanyang make-up artist na si Justin Luis at hairstylist na si Jake Aguilar para sa personal nilang pangangailangan.

Sabi ni Ogie, “Idinenay naman ng kampo ni Justin ang isyu tungkol sa credit card.  Bukas ang Showbiz Update sa kampo ni Justin kung may gusto silang linawin at ni Heart.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas din ang BANDERA para sa panig naman ni Heart tungkol sa umano’y may kinalaman siya sa inisyung hold departure order sa rati niyang glam team.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending