Bea may pa-Christmas party sa fans, glam team

Bea may pa-Christmas party sa fans, glam team: ‘Kahit nasaan ako, nandoon kayo’

Pauline del Rosario - December 26, 2023 - 04:02 PM

Bea may pa-Christmas party sa fans, glam team: ‘Kahit nasaan ako, nandoon kayo’

PHOTO: Screengrab YouTube/@Bea Alonzo

BILANG pasasalamat sa natatanggap na suporta, naghandog ng napakasayang Christmas party ang award-winning actress na si Bea Alonzo para sa kanyang fans at glam team.

Ayon sa aktres, ito ang naisip niyang paraan upang suklian ang natatanggap niyang pagmamahal mula sa kanila.

Sa YouTube, ibinandera ni Bea ang precious moments at highlights ng back-to-back parties.

“I’m spending my afternoon celebrating with my supporters. They’ve been my supporters through the years. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito sa posisyon ko,” sey ni Bea.

Patuloy niya, “And tonight meron rin akong gathering with Team Bea, sila ‘yung glam team ko, mga nakakatrabaho ko all through the year.”

Mapapanood sa vlog na enjoy na enjoy ang aktres at ang kanyang fans sa inihandang games, raffles at picture-taking.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain, proud na ibinandera ang bagong business venture

Bukod diyan, sinorpresa din ng supporters ang kanilang iniidolo ng advance bridal shower para sa inaabangang kasal next year.

Sambit ng aktres sa kanyang speech, “Alam ko, ‘yung iba galing pang probinsya, ‘yong mga long time na hindi ko nakikita, nandito. Thank you for seeing my heart. You’ve stuck with me through all my ups and downs.”

“Kahit saan ako dalin ng agos ng buhay, nandoon kayo. You have embraced me through my imperfections. I don’t know how I will be able to repay you,” pagbabahagi pa niya.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, hinikayat ng 36-anyos na aktres ang mga manonood na magpakita ng pagpapahalaga sa mga taong nandyan para sa kanila sa bawat milestone ng kanilang buhay.

Sambit pa ni Bea, maaari nilang ipakita ito sa pamamagitan ng simple gathering o gesture.

“This Christmas season, sana hindi natin makalimutang magpasalamat sa mga tao naging parte ng buhay natin,” wika niya.

Patuloy niya “I really encourage people to have this kind of event, o kahit na hindi event, just a little something for those people just to make them feel  appreciated.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Because sometimes we forget itong mga taong ‘to ‘yung laging kasama natin sa mga milestone ng buhay natin. I truly hope you have good relationships with them. And I truly hope you have the best Christmas of all time,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending