Bea Alonzo sa mga cheater: ‘Tigilan niyo na ‘yan, It’s so 2019!

Mensahe ni Bea Alonzo sa mga cheater: ‘Tigilan niyo na ‘yan, It’s so 2019!’

Pauline del Rosario |December 08,2023
facebook
share this

Mensahe ni Bea Alonzo sa mga cheater: ‘Tigilan niyo na ‘yan, It’s so 2019!’

Pauline del Rosario - December 08, 2023 - 03:12 PM

Mensahe ni Bea Alonzo sa mga cheater: ‘Tigilan niyo na ‘yan, It’s so 2019!’

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

DAHIL sa “breakup season,” tila nagkaroon na ng panawagan ang aktres na si Bea Alonzo para sa mga “cheater” o ‘yung mga manloloko sa isang relasyon.

Kamakailan lang, nagkaroon ng collaboration si Bea kasama ang vlogger-actress na si Ivana Alawi at doon siya nagbigay ng mensahe.

Sey niya, “Tigilan na nila ‘yan.”

“It’s so 2020… charot pala, 2019! Doon tayo sa mabait,” dagdag niya nang pabiro na tila may pinapatamaan mula sa kanyang naging personal na karanasan.

Baka Bet Mo: Paolo Contis na-hot seat ni Kiray sa usaping ‘panloloko’: Never akong nanisi sa mga mali ko

Kasabay niyan ay tinalakay din ni Bea ang “concept of karma.”

Paliwanag ng award-winning actress, hinding-hindi magiging masaya sa buhay ang mga manloloko sa kanilang partner dahil sisingilin sila ng karma sa kanilang mga maling gawain.

“Wala kayong mapapala. Parang, you’re never going to be happy in life,” saad niya.

Patuloy niya, “‘Pag nananakit ka ng tao, mabigat ang buhay mo, kasi may niloko ka, may ginawan ka ng masama.”

Kung matatandaan, ang aktor na si Gerald Anderson ang huling nakarelasyon ni Bea bago pa maging sila ng fiance na si Dominic Roque.

Maaalala rin na taong 2019 nang tila kinumpirma ni Bea ang “cheating issues” sa pagitan nila ni Gerald sa pamamagitan ng pagpo-post ng cryptic messages sa Instagram.

Matapos ang breakup, naging kontrobersyal ang naging relasyon nina Gerald at aktres na si Julia Barretto.

Noong Enero lamang, ibinunyag ni Bea na never siyang makikipagkaibigan kay Gerald dahil hindi niya kayang magtiwala sa isang tao na hindi kayang akuin ang pagkakamali.

Ibinunyag din ng aktres sa mga naunang interview na hindi sila nagkaroon ng maayos na breakup o closure ni Gerald.

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” kwento niya noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi naman ni Gerald sa press na hindi na healthy ang relasyon nila ni Bea kaya sila naghiwalay.

Samantala, marami ang nagsasabi na “breakup season” ngayong taon dahil marami sa mga celebrities ang naghiwalay at karamihan sa kanila ay dahil sa third party.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending