Andrea may shoutout kay Kean after ng Senior High, naging tropa

Andrea may pa-shoutout kay Kean after ng Senior High, naging tropa-tropa

Ervin Santiago - January 23, 2024 - 12:30 AM

Andrea may pa-shoutout kay Kean after ng Senior High, naging tropa-tropa

Andrea Brillantes, Inka Magnaye, Kean Cipriano at Angel Aquino

ITINURING nang parang tunay na magulang ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sina Angel Aquino at Kean Cipriano.

Bukod sa mga kapwa youngstars na kasama niya sa katatapos lang na hit Kapamilya series na “Senior High“, naging super close rin siya kina Angel at Kean na gumanap na mga magulang niya sa programa.

Natanong si Andrea sa panayam ng ABS-CBN kung paano siya ginabayan at sinuportahan nina Angel at Kean habang ginagawa nila ang “Senior High.”

“Actually, lalo na si Kuya Kean, lagi niyang sinasabi ‘O, kumusta ka? Galingan mo lang palagi, ha’.

Baka Bet Mo: Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

“Lagi po lang niyang ipinapaalala sa akin na galingan ko lang, lagi niyang pinapa-brighten up lagi ‘yong mood ko. Si Miss Angel as well lagi lang niya akong kinukumusta,” chika ni Andrea.

Maganda rin daw ang naging dynamics nila sa mga mabibigat nilang eksena at nirerespeto nila ang boundary ng isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Always focus din sila sa mga intense scenes pero may times na nagkakabiruan din sila sa set.

“Kahit si Kuya Kean na laging nagdyo-joke nararamdaman ko talagang nale-lessen niya talaga.

Baka Bet Mo: Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

“Minsan sa mga emotional scene, laging pinapagaan ni Kuya Kean lahat ng bagay. Super ko talaga siyang na-appreciate,” sey pa ni Andrea.

At sa question nga kung sino sa mga co-stars niya sa “Senior High” ang pinaka-close si Andrea, “My mommy. Miss Angel Aquino po. Miss Angel Aquino and Kuya Kean Cipriano, my step dad doon sa show. ‘Yung family ko talaga.

“‘Yung bond ko po with them, para ko sila talagang naging tropa. Tropa, mommy, kuya, tito, tita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakapag-open up po ako ng parang problems ko na minsan nahihiya akong i-open up minsan sa mom ko,” lahad ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending