Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear! Bandera

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Ervin Santiago |May 04,2021
share this

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Ervin Santiago | May 04,2021 - 09:29 AM

IBINANDERA ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza ang isa sa mga dahilan kung bakit nasabi niyang “meant to be” talaga sila ni Kean Cipriano.

Muling pinakilig ng celebrity couple ang kanilang mga tagasuporta matapos i-flex ni Chynna ang mga katangian ng Callalily vocalist bilang ka-loveteam niya sa tunay na buhay.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Kapuso star na tanging ang asawa lang daw niya ang nakapagpapatawa sa kanya lalo na sa mga araw na nagsusungit siya.

“Sure na sure ako inasar na naman ako dito ni Kean!

“Alam mo kung bakit alam ko meant to be kami? Kasi napapatawa niya ako.. si Miss Minchin. Napakasungit ko at nung nagpaulan ng sense of humor umiwas kasi ako.

“Si Kean lang may kaya I swear!” ang caption ni Chynna sa kanyang IG post.

Kung matatandaan, ginanap ang civil wedding nina Kean at Chynna noong 2015 habang ang kanilang church wedding naman ay idinaos sa Parish of Hearts of Jesus and Mary noong November, 2017.

May dalawa na rin silang anak ngayon, sina Stellar at Salem.

* * *

Opisyal nang binuksan nitong Linggo ang online auditions para sa ika-apat na season ng all-original Filipino singing competition ng GMA Network na “The Clash.”

Ayon sa mechanics na ipinost sa official Facebook page ng “The Clash,” ang audition video ay dapat naglalaman ng self-introduction, isang Tagalog at isang English song, at ang final version ay hindi dapat lalagpas ng 100MB at naka-MP4 o MOV format.

Maaaring isumite ang audition video sa audition form na maa-access gamit ang QR code o link na nakapaskil sa Facebook page ng The Clash.

Bukas ang online auditions sa lahat ng natural-born Filipinos, 21-year old pataas. Para sa mas detalyadong gabay sa online auditions, bisitahin lang ang official social media accounts ng “The Clash.”

Para sa mga nagnanais na maging next Clash Champion, ito na ang chance upang maipamalas ang inyong husay sa pagkanta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending