Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa 'yo, hanggang sa pagtanda...I love you! Bandera

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

Ervin Santiago |December 07,2021
share this

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

Ervin Santiago December 07, 2021 - 02:55 PM

Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

HASHTAG #KiligPaMore pa more  ang peg ng birthday message singer-actor na si Kean Cipriano para sa pinakamamahal niyang wifey na si Chynna Ortaleza.

“Simple pero rock” ang ibinahaging mensahe ni Kean para sa Kapuso actress na nag-celebrate ng kanyang ika-39 kaarawan kahapon, Dec. 6.

Ipinost ng aktor ang isang black-and-white photo ni Chynna sa Instagram, kalakip ang kanyang mensahe kung saan inilarawan pa niya ang asawa na, “crazy beautiful soulmate.”

Sey ni Kean sa caption ng kanyang IG photo, “Happy birthday my crazy beautiful soulmate. You deserve all the great things in life.”

“Nandito lang ako palagi para sayo. Hanggang sa pagtanda. I love you @chynsortaleza,” ang pangako pa ni Kean sa kanyang asawa.

Bukod dito, nagbahagi pa ang bokalista ng Callalily sa IG mg iba pang litrato ni Chynna na may nakasulat na, “I love you birthday girl @chynsortaleza!”

Nauna rito, ibinahagi rin ng Kapuso star sa kanyang Instagram page ang ilang kaganapan sa pagse-celebrate niya ng 39th birthday kasama ang pamilya.

“Pure gratitude! Thankful for another birthday… Thank you Lord for everything,” ang caption ni Chynna sa mga litrato nila.

Isang simpleng salu-salo lamang daw ito na ginanap sa kanilang tahanan. 

Ayon sa celebrity mom, hanggat maaari raw ay hindi pa rin sila lumalabas ng bahay dahil alam nilang may banta pa rin ang COVID-19 sa bansa.


Noong Hunyo, 2021, ibinandera rin ng aktres sa buong mundo sa pamamagitan ng social media ang pagbati niya para sa 34th birthday ni Kean.

“Kean, Happy Birthday! A lot of people see the musician side… the artist… the manager… But not a lot of people see your most endearing and most despicable sides which by the way I LOVE with a passion.

“We feel very honored to be able to live this life with you. Kita naman sa himbing ng tulog ni Salem diyan na mabuti kang Daddy… at multi-tasker pa dahil kaya mong mag-meeting at magpa-burp.

“I admire your whole being! May the Lord continue to be with you… May joy grow in your heart,” mensahe pa ng aktres para sa kanyang mister.

Anim na taon nang magkarelasyon ngayon sina Kean at Chynna. Ikinasal sila civil wedding ceremony noong 2015 at nagpakasal uli sa simbahan taong 2017.

Biniyayaan sila ng dalawang anak — sina Stellar at Salem.

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Chynna: Sa mga nagsasabi pong may COVID kaming buong pamilya, hindi po totoo

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending